Pagpatay sa trike drivers sinisiyasat

Masusing iniimbestigahan ngayon ng Caloocan City police ang mga insidente ng pagpatay sa tricycle drivers lalo na sa northern part ng lungsod. Sinabi ni Superintendent Ferdinand Del Rosario, city police deputy for administration, na tinitingnan nila ang gang war sa pagitan ng mga grupo ng tricycle drivers bilang posibleng motibo sa likod ng shooting incidents sa naturang lugar.

Itinanggi niya ang alegasyon na mga pulis ang nasa likod ng mga pagpatay. “Posible na may mga grupo na magkakaaway doon. Kasi, bakit puro tricycle drivers ang pinapatay?,” pahayag ni Del Rosario. Sinabi niya na ilang tricycle driver na ang napapatay ng mga nakamotorsiklong kalalakihan sa city lalo na sa Bagong Silang. Ang huling biktima ng pamamaril ay nakilalang si Bernard Nonay, 33. Nagtamo siya ng gunshot wounds sa ulo, leeg, at katawan, ayon sa police. Napag-alaman na si Nonay, diumanoy ay isang drug user, ay naghihintay ng mga pasahero nang barilin noong nakaraang Miyerkules ng gabi. (Kate Javier)

http://tempo.com.ph/feed/