Lovi, init na init
By Delia Cuaresma
Tag-ulan na pero tila baga init na init pa rin si Lovi Poe.
Kamakailan nga lang ay bumisita ito sa isang beach sa Siargao upang magpalamig kasama ang ilang kaibigan.
Habang naandoon, malayang ibinilad ng aktres ang maganda niyang katawan sa ilalim ng araw.
Kitang-kita ang lahat ng kaganapan sa kanyang Instagram.
Siyempre natuwa rito ang mga macho niyang fans.
Tunay na isa si Lovi sa mga ma-alindog na aktres sa lokal showbiz.
Ika nga ngiti pa lang ay ulam na.
Pero siyempre, hindi rin maitatatwa na bukod sa ganda, may angking galing din talaga sa pag-arte ang anak ni FPJ.
Oo, tapos na nga ang summer pero ani ng aktres sa caption niya, “Summer is only a state of mind.”
Tama nga naman.
Kung gusto niyang ibilad ang magandang katawan niya, sa beach man ito o sa kalagitnaan ng trapik sa EDSA , sino ba naman kami para pigilan siya?
Ika nga, if you got it, flaunt it.
Di ba, Lovi?