Precious Lara Quigaman sinaktan!
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Fri, 17 Jan 2020 12:09:44 +0000
BY DANTE LAGANA
—–
KAKAIBA ang karanasan ni Precious Lara Quigaman-Alcaraz nang magpamasahe ito kamakailan.
Akala daw niya ay talagang hard massage ang binibigay na serbisyo ng tagamasahe sa kanya dahil may puntong nasasaktan na siya.
Kwento pa niya, “Actually sobrang nakakatawa…napasakit…sabi ko, ‘Ate aray, aray ang sakit! Pabawas ng kaunti.’ Sabi niya, ‘Dahil yan sa pagpatay mo kay Fabio.’ Sabi ko sorry na.”
Si Fabio ay ang aktor na si Miko Raval. Nangyari ang “patayan” sa sikat na seryeng “The Killer Bride” kung saan kontrabida ang character ni Lara.
Obvious na maganda ang trabahong nagawa ni Lara, diba? Pati masahista niya nainis sa kanya!
Siyempre pa sobrang thankful si Lara sa opportunity na ito.
Matagal na nga daw niyang gusto gumawa ng kontrabida role dahil kadalasan ang mga nakukuha niyang role api-apihan.
http://tempo.com.ph/feed/