Ang ibong nakatayo!

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 20 Nov 2019 07:38:00 +0000

 

aex alx alex calleja alex-syon of the Day ax

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

*

Hi Alex,

Sa darating na December ay twelve years old na po ako Tito Alex at marami na po ako napa­pansin sa katawan ko at mga katanungan na hindi masagot ng mga magulang ko. Bakit ka­pag nagigising ako ay nakatayo ang bird ko? Saan ba talaga ako galing at paano ba ako ginawa? Kasi sinasabi ng mga magulang ko, galing daw ako sa birds and the bees, dinala daw ako ng ibon na stork at ang latest eh hulog daw ako ng langit! Ano ba talaga Tito Alex?

                                                                        Kalvin ng Manila

Hi Kalvin,

Easy lang, sasagutin natin lahat yan! Kung bakit nakatayo ang bird mo sa umaga, eh kasi naiinip nay an! Ikaw ba naman nakahiga magdam­ag, mangangalay ka rin kaya tatayo ka agad sa umaga! Normal lang yan! Dun naman sa tanong mo kung saan ka galing, para masagot yan, ganito ang gawin mo. Sa madaling araw, kapag may naririnig kang ingay na galing sa kwarto ng mga magulang mo, pumunta ka sa kwarto nila, buksan ang pinto ng mabilis. Kung ano man ang ginagawa nila, ayun ang dahilan kung bakit nandito ka ngayon sa mundo! Advance happy birthday sa’yo!

*

Hi Alex,

Crush na crush ko ang teacher ko ngayon sa college! First year college ako at ng teacher ko ta­laga ang inspiration ko! Gustong gusto ko siya palagi nakikita! Ano bang gagawin ko para lagi ko siyang nakikita na hindi niya mahahalata na may gusto ako sa kanya?

                                                                        Elmer ng Intramuros

Hi Elmer,

Magpabagsak ka sa klase para paulit-ulit mong kunin ang subject niya! Lagi na kayong magkasama niya hanggang sa tumanda ka!<
http://tempo.com.ph/feed/