Mapapel o maepal?

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Mon, 18 Nov 2019 06:19:14 +0000

 

aex alx alex calleja alex-syon of the Day ax

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

* * *

Hi Alex,

Napanuod ko yung viral video ni Quiboloy na sinasabi niyang na-STOP niya ang lindol sa Mindanao. Naniniwala ba kayo na may taong napapatigil ang lindol?

                                                                        Ernesto ng Quiapo

Hi Ernesto,

Ayaw ko kwestyunin ang mga kakayahan ng tao. Malay mo naman, kaya niya talaga. Pero kung kaya niya magpa-stop, naisip ko tuloy na pwede siyang magtrabaho o magamit ang powers niya sa iba’t ibang bagay. Pwede siya sa PDEA para ma-stop ang droga. Pwede siyang gamitin para ma-stop ang away ng mga Barreto Sisters. Pwede siyang maging MMDA para taga-stop ng mga illegal parking. Pwede siyang model ng Mini Stop. Pwedeng ipalit ang mukha niya sa traffic light, aalisin ang red light at mukha niya ang ipapalit para ang ibig sabihin STOP! Pero wag na natin siyang pag-usapan dahil mamaya, pa-STOP niya itong article ko!

* * *

Hi Alex,

Kanino ka mas naiinis, sa taong mapapel o sa taong maepal?

                                                                        Douglas ng Nueva Ecija

Hi Douglas,

Sa taong maepal kasi hirap niyang talunin! Hindi mo alam kung ano makakapigil sa kanya! Ang taong mapapel, madali lang, pwede mong talunin sa jack en poy, gamitan mo lang ng taong magunting! Pwede mo ring talunin ang taong mapapel kapag binasa mo dahil basa na ang papel niya! Kaya OK lang na mapapel wag lang ma-epal!

* * *

Hi Alex,

Madalas akong makasalubong ng taong basa ang kili-kili at taong bukas ang zipper. Naaawa ako sa kanila pero nahihiya akong sabihan sila. Kung mangyayari sa inyo ito Tito Alex, sino ang mas una niyong pagsasabihan?

                                                                        Claudine ng San Lazaro, Manila

Hi Claudine,

Mas una kong pagsasabihan ang taong bukas ang zipper kasi baka lumabas si Mayor sa zipper niya. Kung di mo gets, si Mayor ay yung si birdi
http://tempo.com.ph/feed/