Don’t fear the past
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Sun, 10 Nov 2019 11:25:28 +0000
Hi Ms. Rica,
I need your advise po. Nagsimula po akong makipagdate sa isang lalaki na gusto ko naman po. Mabait po siya, maalaga, at thoughtful.
Pero po, natatakot ako kasi ‘yung huli ko pong relationship ay parang bangungot. Hindi po talaga maganda ang nangyari sa amin ng ex ko at ayoko na pong maulit iyon.
Sabi po ng iba na take it slow daw po and maaga pa para makipagdate ako muli. Pero, mabait po kasi talaga ang lalaking dinadate ko ngayon at masaya po siyang kasama. Tama po ba ang ginagawa ko o kailangan ko pong itigil ito? Help please!
Scared, Hurt, and Doubtful
Hello Scared, Hurt, and Doubtful,
Nararamdaman ko ang pagkatakot mo na makipagrelasyon ulit. Hindi naman to nakagugulat, lalo na sa napagdaanan mo with your ex-boyfriend.
Kaya, ang kailangan mong isipin ay walang “tama” o “mali” sa iyong nararamdaman. Your feelings are just that, your feelings. At para mawala ang iyong takot at pangamba, the first thing to do is to accept and acknowledge these feelings.
On the other side, nararamdaman ko rin ang iyong excitement sa bago mong dinedate! Lalo na sa potential na siya’y maging bago mong boyfriend.
Okay lang din ma-excite! Kasama sa proseso ‘yan. Pero siyempre, sa lahat naman ng relasyon ay hindi puwedeng hindi ka masasaktan. Kaya kasama ng excitement mo ay dapat tanggapin mo na puwede ka rin masaktan ng bago mong boylaloo.
Ang magiging tanong mo dapat sa iyong sarili ay kung ready ka na ba to take that chance again…ready ka na nga ba?
Do know na ikaw lang ang makakasagot talaga sa tanong na yan. Even when your friends tell you na hindi ka pa ready, iba ang proseso mo sa proseso nila.
Kung ang bago mong boylaloo ay nakakapagpasaya sayo and you feel comfortable with him, why not give him a chance? Puwede namang dahan-dahanin ang proseso ng pakikipag-date at pagkikilanlan sa isa’t-isa. If you feel that things start moving too fast, puwede mo rin naman sabihin sa kaniya na hinay-hinay lang muna.
This is actually a good time for you to be open and honest with your new boylaloo lalo na kung feeling mo that this could lead to a new relationship. Sabihin mo sa kaniya na natatakot ka. Ikuwento mo sa kaniya ang ex mo at ang takot mo at tignan mo rin kung paano siya magrereact.
Kung mapag-usapan niyo ito and he reacts favorably towards your concerns, then you may have found your new potential partner! Ang maganda pa doon ay inumpisahan n
http://tempo.com.ph/feed/