Traffic

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 06 Nov 2019 16:30:02 +0000

 

aex alx alex calleja alex-syon of the Day ax

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may sulira­nin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malak­ing problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

* * *

Hi Alex,

Alam kong may ginaga­wa ang ating gobyerno para mawala ang sobrang traffic sa Maynila. Kabi-kabila ang project na nakikita ko kaya alam kong balang-araw eh baka naman lumuwag na ang project. Pero habang matindi ang traffic na nararanasan ko araw-araw eh wala akong positibong makita na dulot nito! Ano ba ang dapat gawin para naman mapakinabangan natin ang traffic na ito?

                                                                       Elenita ng Caloocan

Hi Elenita,

Dahil sa sulat mo eh napaisip ako ng magandang naidudulot ng traffic at ito ang mga naisip ko. Magbenta ka ng pagkain sa traffic! Walang bayad sa pwesto at sigu­radong kikita ka! Sa sobrang tindi ng traffic eh ang daming inaabot ng gutom sa daan at karamihan sa mga vendor eh tubig, mani at chichirya lang ang binibenta. Magbenta ka ng pagkain, lutuin mo sa harapan nila! Siguradong kikita ka habang traffic. Pwede ka pang mag-franchise dahil may EDSA, SLEX, NLEX at C5! At may Roxas BLDV, Quezon Avenue at Commonwealth pa! Isama mo na rin ang Alabang-Zapote Road! Ang isa pang nakikita kong magandang naidudulot ng traffic eh may mga muntik ng mag-away na magkaibigan, magkamag-anak at mag-asawa na hindi natuloy dahil sa traffic. Anong ibig kong sabihin, alam kong maraming nag-aaway dahil sa traffic pero naisip niyo ba na maraming nagkabati dahil din sa traffic. Kung ikaw eh mainit ang ulo at galit na galit ka sa asawa, kaibigan o kamag-anak mo, sigu­radong kakalma ka na dahil sa traffic. Yung galit mo unti-unting mawawala kasi nakak
http://tempo.com.ph/feed/