La Oropesa ginagamit ng mga espiritu?
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Tue, 05 Nov 2019 11:43:01 +0000
KUWELANG lola si Elizabeth Oropesa bilang si Lola Char sa primetime teleserye na “The Gift.”
Hindi pinapalagpas ng mga televiewers ang mga nakakatawang hirit ni Lola Char sa kanyang anak na si Strawberry na ginagampanan ni Jo Berry.
Kapag nag-punchline na si Lola Char, hindi puwedeng hindi ka matatawa.
Pero sa tunay na buhay ay hindi katuwa-tuwa ang dinaranas ni La Oropesa.
Bilang isang licensed acupuncturist, inamin nito na nakakaramdam siya ng ilang espiritu na gusto siyang kausapin.
Nagkuwento si La Oropesa ng isang paranormal experience niya sa isang pasyente.
“Nagpatingin sa akin isang matandang babae at may kasamang bata na babae rin. Nu’ng sabi ko, ‘Sige po ‘nay mahiga na po kayo,’ may narinig na ako, wala pa akong nakikita, may narinig lang ako. Sabi sa akin, ‘Pakisabi naman nandito ako.
“Palakas na nang palakas, ulit na nang ulit. Pagtingin ko, isang mama (lalaki)… ‘Sabihin mo sa kanya na ‘yung panyong nilagay niya sa bulsa ko ilan?
“Tinanong ko yung pasyente, ‘Sino po ba ‘yung patay na nilagyan niyo ng mga panyo sa bulsa?
http://tempo.com.ph/feed/