Trick or treat

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Thu, 31 Oct 2019 06:03:25 +0000

 

aex alx alex calleja alex-syon of the Day ax

ANG column na ito ay gina­wa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

*

Hi Alex,

Ang daming mga Halloween party na nababasa ko sa FB. Nauso na rin ang trick or treat. Nang kabataan ko hindi naman uso yan. Saka, yung mga cos­tumes, hindi lang manananggal o tikbalang, mukhang mama­halin pa. Nakakatakot talaga. Naiintindihan ko kung sa mga exclusive villages eh may mga trick or treat pero pati sa mga mahihirap na lugar, meron na rin na trick or treat! Bakit ba nauso ito?

                                                                       Ursula ng San Juan

Hi Ursula,

Dahil sa social media yan. Nakikita na natin ang lahat ng nangyayari sa buong mundo kaya ginagaya na na­tin. Kaya kahit mahirap eh may mga trick or treat na. Malalaman mo nga na mahirap kasi walang suot na costume kungdi white t-shirt tapos may nameplate na nakasulat na ‘dracula’. Saka alam mo rin na mahirap kasi kapag kumatok sa pinto at imbes na sabihing ‘trick or treat, money or sweets, give us something good to eat’ ang sinasabi ‘kya, kya, share your bless­ings!’. Saka kung sa mayayaman, candy at chocolates ang binibigay, sa mga mahihirap, lutong ulam at rice! Hayaan na natin, walang basagan ng trip!

*

Hi Alex,

Nang nakaraang taon eh nagpunta kami sa semeteryo para dalawin ang mga namatay naming mahal sa buhay. Hindi namin makita ang puntod at inabot kami ng ilang oras bago namin nakita. Marami na kas­ing nadagdag na puntod kaya nalito kami. Ang dami pang tao kayo mas lalong nakakalito. Ngayong taon eh pupunta na naman kami, ano ba ang pwe­deng gawin namin para hindi kami maligaw at mahanap ka­gad namin ang puntod ng mga mahal namin sa buhay?

        
http://tempo.com.ph/feed/