Sarah Geronimo biktima rin ng bullying
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 23 Oct 2019 10:50:31 +0000
NA-BULLY din noon si Sarah Geronimo. Kuwento niya sa “Magandang Buhay,” noong sumasali siya sa mga singing contest ay marami ang nagsasabing hindi naman siya mananalo. Kesyo, wala siyang mararating dahil hindi naman daw siya magaling kumanta. Hindi rin daw siya maganda.
Naranasan din ni Sarah ang ma-reject sa mga audition. Ang parents niya ang nagpapalakas ng loob niya. All-out support ang mga ito kay Sarah.
Noong nanalo siya sa “Search for a Star,” bahagi ng cash prize na napanalunan niya’y ipinambayad sa ospital dahil may sakit ang isa niyang kapatid. Ani Sarah, masama rin ang pakiramdam niya noong grand finals night. Dinatnan pa siya ng monthly period.
Una niyang binili sa perang napanalunan ay aircon unit. Maliit at masikip daw ang inuupahan nilang apartment noon. After five years, nakapagpatayo na si Sarah ng sariling bahay for her family.
After 16 years in showbiz, marami nang naipundar si Sarah. Bukod sa bahay, may (o mga) sasakyan na siya. May mga negosyo (isa na ang grill house nila sa Mindanao avenue, QC). May farm na mga organic fruits and vegetables ang mga tanim. Pinag-aral din niya ang mga kapatid niya.
May magandang buhay na ang pamilya niya. Ang inaabangan ay kung kailan sila magpapakasal ni Matteo Guidicelli.
NAGTE-TRAINING NA
Nagte-training na si Jane de Leon para sa “Darna” movie. Fitness training pa lang muna ang ginagawa niya. Next month, sasabak na si Jane sa stunts training para sa fight scenes na gagawin niya sa movie.
Kinakabahan, exc i ted at nakakaramdam na siya ng pressure, ani Jane sa isang interbyu. Nakapili na rin daw ng Darna costume na isusuot niya.