Magpasalamat ka na lang!

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 23 Oct 2019 07:47:00 +0000

 

aex alx alex calleja alex-syon of the Day ax

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

***

Hi Alex,

Malapit na ang undas at mata­gal na naming hindi nadadalaw ang namatay naming tatay. Mga nasa limang taon na siguro kung hindi ako nagkakamali. Sa probinsiya kasi siya nilibing kaya nahihirapan kaming dalawin sa puntod niya. May balak din kaming ilipat siya ng libingan dito sa Maynila pero wala lang kaming pera pa. Wala rin kasi kaming pamasahe dahil hirap din kami sa buhay. Hindi naman siguro magagalit ang tatay ko at maiintindihan naman niya kami. Ano sa tingin mo Tito Alex. Galit kaya ang tatay ko sa amin o nai­intindihan niya kami?

                                                                       Montalbo ng Cavite City

 

Hi Montalbo,

Paano ko malalaman! Anong akala mo sa akin, may kakayang makipag-usap sa kaluluwa! Kung hindi kayo makapunta sa tatay mo, wag kayong mag-alala, siya na lang ang mag-aadjust! Siya na lang ang pupunta sa inyo!

***

Hi Alex,

May lumapit sa akin na isang babae at nanghihingi ng pera. Na­hulog daw yung wallet niya na may lamang limang libo. Nahulog daw sa tapat ng bahay namin. Naawa naman ako kaya binigyan ko ng limang-daan! Kasi maliit na bagay lang yun dahil may napulot na­man akong wallet na may lamang limang libo. Binabalik ko lang sa kapwa ko ang swerteng natanggap ko! Ang bait ko di’ba Tito Alex?

                                                                        Zaldy ng Quiapo

 

Hi Zaldy,

Buhay ka pa pero sinusunog na ang kaluluwa mo sa impyerno! Kahit si Satanas, nainis sa sobrang sama ng ugali mo! Wag kang magpapakita sa akin, hahampasin kita ng limanglibong beses!

***

Hi Alex,

Madalas magbara ang banyo na
http://tempo.com.ph/feed/