Mukha kang sira-ulo!
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Mon, 16 Sep 2019 07:00:12 +0000
ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
Hi Alex,
Gusto na namin lumipat at balak naming bumili ng condo. Marami ang nagsasabi na wag daw sa condo lumipat dahil mas maganda sa bahay. Kapag condo daw, wala kang lupa at mawawala ang building after 50 years. Nakakasuffocate daw sa condo dahil walang masyadong hangin. Ang mahal pa daw ng association fee. Mahal din daw ang parking dahil kailangan kapag may unit ka, bibili ka rin ng parking space. Tapos kapag nasira ang elevator, hassle daw. Kapag lumindol, delikado. Ang damo daw pwedeng mangyari! Anong maipapayo mo dito, Tito Alex?
Jelee ng Makati
Hi Jelee,
Tama sila ng sinabi, kahit ako sangayon sa kanila. At maidagdag ko lang, kapag condo, madami kayo sa isang building, malaki ang tsansa sa aksidente tulad ng sunog. May isa lang na tatanga-tanga dyan, sunog ang condo mo. Kapag nasunog ang condo mo, alaala na lang ang unit mo. Kasi walang lupa, kapag tinuro mo kung saan ka dati nakatira, titingala ka sa langit, at ituturo o ang ulap. Mukha kang sira-ulo! Saka may discrimination sa mga taga-condo, mas mahal ang 11th flor pataas, mas mura ang 1st floor hanggang 10th floor! Kaya kapag nagkikita kayo sa elevator, kawawa ka kapag mababang floor ka! Mababa rin ang tingin sa’yo!
At malas ka kapag nasa 14th floor ka! Dahil alam mong 13th floor yun, pinagloloko ka lang ng may-ari ng building!
Hi Alex,
May itatanong lang ako. Magkasama kami ng girlfriend ko sa isang restaurant. Nag-CR siya at naiwan niya ang bag niya. Bumagsak ang bag niya dahil nasagi ito ng isang bata. Natapon ang laman. Nagulat ako dahil may saging, talong at pipino
http://tempo.com.ph/feed/