Utakan lang yan!

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 11 Sep 2019 11:43:49 +0000

 

axx alex calleja alex-syon of the Day ax

 

 

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may sulira­nin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

Hi Alex,

Nahihilig ako sa basketball ngayon pero medyo matanda na ako. Fifty years old na ako at madalas makalaro ko mga bata. Mga teenager at mga nasa early twenties na mga players. Masaya naman sila kalaro kaya lang may napapansin ako, ka­pag nagpapahinga ako at pina­panuod ko sila, mabibilis ang laro nila saka talagang intense. Kapag pumasok na ako, parang bumabagal at nagiging friendly game lang ang ang laro. Ano kaya ang ibig sabihin nito?

                                                                        Monroe ng Mandaluyong

Hi Monroe,

Hindi ba obvious? Kasi nga matanda ka. Kapag wala ka, na­gagawa nila ang laro nila. Kapag pumasok ka, nag-aadjust sila sa’yo. Bumabagal kasi baka hindi ka maka­habol o kaya mapagod ka. Talasan mo ang tenga mo. Malamang mga nag-uusap ang mga yan. Ganito ang mga pinag-uusapan niyan mga yan – ‘Andyan na si Mang Monroe, dahan-dahan lang’’Wag niyo bilisan, baka hingalin’ ‘Wag niyong supalpa­lin, baka ma-stroke’. Matuwa ka na lang dahil mababait ang mga kala­ban mong kabataan. Makipaglaro ka kasi sa mga kasing-edad mo para ikaw naman ang pinakamabilis!

Hi Alex,

Isa akong working mom at araw-araw akong bumabyahe papuntang opisina sakay ng pampasaherong bus! Sobrang traffic sa EDSA! Halos araw-araw akong natra-traffic. In­aabot ako ng tatlong oras papuntang office at tatlong oras pabalik! Pagdating ko pa sa bahay sa gabi, maglalaba pa ako, magpla-plantsa at maglu­luto ng pagkain para sa kinabu­kasan! Mukhang wala namang solusyon na naiisip ang goby­erno sa traffic kaya malamang, matagal ko pang mararanasan ito. Ang tanong ko lang, ano ba ang pwedeng gawin habang traffic para malibang ako at hindi masayang ang oras ko?

                                    
http://tempo.com.ph/feed/