Kris Aquino pagbigyan kaya?

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Thu, 22 Aug 2019 12:07:12 +0000

timing box

 

 

NAG-PADRINO noon si Willie Revillame kay Kris Aquino para magkaroon ito ng show sa GMA7. Pero walang nangyari. “Nganga” si Kris dahil deadma lang ang Kapuso Network.

How true kaya ang tsika noon na diumano, may isang influential person ang humarang para hindi mabigyan ng show si Kris? Ipinag-prodyus pa siya ng show ng isang businesswoman na eventually ay nagkaalitan sila.

KRIS Aquino (IG)

KRIS Aquino (IG)

Nagpahaging si Kris sa columnist-talent manager na si Lolit Solis na tulungan siya para mabigyan siya ng show sa GMA7. Wala na kaya talagang pag-asang makabalik si Kris sa ABS-CBN?

Hiling ni Kris kay Lolit na makipag-negotiate ito sa GMA para mabigyan siya ng afternoon teleserye. Extra-challenge ito kay Lolit kung makukumbinse niya ang Kapuso Network na bigyan ng show si Kris.

Dati siyang Kapuso na nag-umpisa sa “GMA Supershow” ni German Moreno (RIP). Naging host din si Kris sa isang talk show, ang “Star Talk.”

 

MUTUAL DECISION?

JAMES Reid

JAMES Reid

Ano na kaya ang mangyayari sa career ni James Reid sa paglayas niya sa Viva Entertainment? Make or break kaya ‘yun sa kanyang career?

Walang ibinigay na dahilan ang kampo ni James kung bakit umalis siya sa Viva. Mutual decision daw ‘yun ng kanyang kampo at ng Viva. Ang daddy na ni James ang magma-manage ng kanyang career, pati ng dalawang kapatid niya na nagso-showbiz na rin.

Sumunod kaya si Nadine Lustre kay James na magpa-release rin siya ng kontrata sa Viva?

May tsika na si Sam Concepcion ang ipapalit ng Viva kay James. Ipu-push daw ang career ni Sam para bumongga ito.

 

CHILL LANG

JENNYLYN Mercado and Dennis Trillo

JENNYLYN Mercado and Dennis Trillo

Chill lang sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado kahit marami ang kumukulit sa kanila kung kailan sila magpapakasal. Ani Jen, ayaw nilang magpa-pressure ni Dennis. Darating din sila doon (kasal).

Hindi sila nagmamadali. Enjoy-enjoy lang sila sa kanilang relasyon na getting stronger. Basta, sure na sila sa feelings nila sa isa’t isa na gusto nilang maging together forever sila.

http://tempo.com.ph/feed/