Marco Gumabao, bagong heartthrob

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Sat, 03 Aug 2019 09:18:12 +0000

 

Mouthful box

 

THE next big thing na ang tawag ngayon sa heartthrob na si Marco Gumabao.

Well, noon pa naman namin sinasabi at sinusulat na he really deserves huge notice.

Relatively new in the industry, Marco has the makings of a popu­lar – and hopefully, award-winning – leading man.

Physically, winner si Marco – matangkad, well-built, at higit sa lahat, guwapo.

Mahal ng kamera ang kanyang mukha, at may good breeding rin, hindi “jologs.”

MARCO Gumabao (FB)

MARCO Gumabao (FB)

Noong nasa ABS-CBN pa lang ito ay tipong “one of those” ang peg niya, until he decided to trans­fer to Viva Artists Agency ni Ve­ronique del Rosario-Corpuz, anak ni Boss Vic ng Viva Films. Right­ful decision we suppose, dahil mula nung lumipat siya sa Viva eh kaliwa’t kanan na ang kanyang mga proyekto.

Noong 2018 lang ay naka-tat­long pelikula siya – “Abay Babes” Hart; “Para Sa Broken Hearted” with Shy Carlos; at “Aurora” na Anne Curtis-starrer rin at nakakopo pa ng ilang parangal mula sa MMFF 2018.

And heto na nga si Marco at bong­gang-bongga as leading man na ni Anne sa “Just A Stranger.”

Isa itong sexy romance drama, kaya may bonus pang intimate love scenes with Anne, na pantasya ng mga kalalakihan, kahit kasal na.

Super happy and blessed ang feeling ngayon ni Marco for these wonderful breaks. After all, iilan na lang naman talaga ang mga masasa­bing true blue leading men sa industriya ng Pelikulang Pilipino ngay­on, ‘di ba?

Not getting any younger na ang mga likes of Der­ek Ramsay, Jericho Ro­sales, Dennis Trillo, and Ding­dong Dantes. In hiatus pa ang John Lloyd Cruz.

Samantala, walang kagatol-gatol na sinag­ot ni Jason Paul Laxamana, direk­tor ng pelikula ang tanong kung bakit hindi nakapasa sa taunang Pista ng Pelikulang Pilipino ang “Just A Stranger.”

Tandaan, Direk Jason megged the two consecutive topgrossers sa PPP in its two years – “100 Tula Para Kay Stella” (2017) and “A Day After Valentines” (2018), both produced by Viva, too.

Aniya, “Hindi ko alam ang dahilan pero we re­spect naman po the deci­sion of the selection commit­tee (ng PPP). Mas okay rin po ang nangyari kasi we have our own playdate on Aug. 21.”

In any case, pumasok rin as distributor (and co-pro­ducer?) ang Viva Films sa “Watch Me Kill” ng Cine­bandits En­tertainment ni Direk Tyrone Aci­erto, starring Jean Garcia, isang PPP 2019 finalist.

http://tempo.com.ph/feed/