Andrea Brillantes, Seth Fedelin maging sila kaya?

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Thu, 04 Jul 2019 12:31:11 +0000

 

SETH Fedelin and Andrea Brillantes (IG)

SETH Fedelin and Andrea Brillantes (IG)

MAINIT ang pagtanggap ng mga manonood sa tambalang Andrea Brillantes-Seth Fedelin.

Maraming nagsasabi na bagay daw ang dalawa. Bu­kod dun, kapansin-pasin din daw ang immediate chem­istry na namuo sa kanila sa ongoing ABS-CBN serye “Kadenang Ginto.”

Maging sila kaya sa tunay na buhay?

Ayaw magsalita ni Andrea nang patapos nang tanungin siya tungkol dito sa “Magandang Buhay.”

“Siguro,” pa-sweet niyang sabi. “Hindi ko pa masasabi. Kasi siyempre kinikilala ko pa siya.”

Pero may alas na si Seth dahil ani Andrea kinagigilawan niya ito.

“Kasi sobrang nakakatawa si Seth. Kapag dumating siya ang dami niyang napapasaya, napapatawa. Isa na rin ako roon siyempre. Lalo na kapag ‘yung eksena mabigat, nandiyan siya, tapos hindi na siya mabigat (para sa akin),” kuwento ni Andrea.

Gusto rin daw ng 16-anyos na dalaginding ang ideya na mapagkakatiwalaan si Seth.

Napatunayan niya na totoong kaibigan at maasahan si Seth nang damayan siya nito sa naging pagpanaw ng kan­yang lolo.

“Nagte-taping po ako habang nasa ospital ang lolo ko. Sa kanya ko lang rin shini-share kasi ayaw ko isipin ng tao na malungkot ako tapos aalahanin nila ako. Tapos nandiyan siya palagi. … Sobrang naa-appreciate ko na nandoon siya bilang kaibigan ko kasi siya lang ‘yun nandoon para sa akin. Bago pa lang kaming magkakilala noon at doon ko naramdaman na totoo siyang kaibigan, na mapagkakatiwalaan ko siya,” saad ni Andrea.

Palakpak tenga si Seth sa mga narinig. Halatang kinikilig ito sa mga tinuran ng co-star.

Nang kinumusta ang kanilang relasyon, aniya, “Mas lalo pang lumalalim ang pagkakai­bigan namin.” (DELIA CUARESMA)

http://tempo.com.ph/feed/