Derek Ramsay nanilip

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 03 Jul 2019 11:48:49 +0000

 

DEREK Ramsay and Andrea Torres

DEREK Ramsay and Andrea Torres

HINDI napigilan si Derek Ramsay na silipin ang social media accounts ng kanyang leading lady sa GMA primetime teleserye na “The Better Woman” na si Andrea Torres.

Hindi raw pagsu-stalk ang ginawa niya kay Andrea kundi mas gusto niyang makilala nang husto ang makakasama niya sa trabaho.

Natuwa daw si Derek nang makita niya sa IG ni Andrea na very close ito sa kanyang pamilya, espe­cially sa kan­yang mother.

Karamihan daw kasi ng photos na pinu-post ni Andrea ay kasama nito ang kanyang pamilya sa mga pagbiyahe niya sa iba’t ibang bansa.

“It’s nice to know that the person you are working with has strong family values. That is one thing na may in common kami ni Andrea, we are both very close sa aming families.

“Kapag gano’n kasi ang katrabaho ko, alam ko na magkaka­sundo kami.

“Ako kasi, hindi kumpleto ang araw ko kung hindi ko man lang nakakausap ang isa sa family members namin.

“When I travel abroad, gusto kong kasama sila. I mean, there’s nothing more important sa mun­dong ito like family, ‘di ba?” diin pa ni Derek.

Kaya naman sa mga maiinit na eksena nila ni Andrea, madali si­lang nagkasundo. Hindi na raw nila kailangan pang mag-workshop.

“Bago kami mag-shoot, nag-uusap muna kami ni An­drea para masabi ko ang mga gagawin kong movements. Ayoko kasi magulat siya at baka masam­pal ako!” malakas na tawa pa ni Derek.

Pagpatuloy niya: “One of the scenes na dapat abangan nila is the lap dance ni Andrea sa akin. It’s very sexy and pare­ho kaming ki­nakabahan. Pero sa awa ng Di­yos, nagawa namin ng tama.” (RUEL J. MENDOZA)

 

http://tempo.com.ph/feed/