Kyline Alcantara iniintriga
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Fri, 14 Jun 2019 12:47:59 +0000
INIINTRIGA ang pagiging host ni Kyline Alcantara sa “Inside Starstruck 7.” Marami naman daw “Starstruck” alumni ang puwedeng mag-host. Sobrang lakas naman daw ni Kyline sa management. ‘Di kaya?
Ani naman Kyline na first time mag-host, hindi naman siya nag-prisinta, kundi kinuha siya ng GMA. Alangan naman daw tanggihan niya, eh, trabaho ‘yun? Besides, challenge ‘yun sa kanya.
LAGLAGAN NA!
Tonight na ang umpisa ng “Starstruck 7” na mapapanood every Saturday after “Daddy’s Gurl” and every Sunday after “Daig Kayo ng Lola Ko.”
Mula sa libu-libong nag-audition nationwide, napili na ang 22 hopefuls na composed of 11 boys and 11 girls. Laglagan na mamayang gabi at kaabang-abang kung sinu-sino ang papasok sa Final 14 ng artista search na ito.
For the 7th time, si Dingdong Dantes ang host ng “Starstruck” na aniya, unang segment pa lang ay heart-breaking na agad. Si Jennylyn Mercado ang kanyang co-host na siyang unang Ultimate Female Survivor.
She was 17 years old then at mula noon, ang daming nabago sa buhay niya, ani Jen. Mara-ming opportunities ang naibigay sa kanya ng GMA7.
Balitang sila rin ni Dingdong ang magkasama sa upcoming Pinoy version ng “Descendants of the Sun.” Hindi pa makumpirma ni Dingdong dahil wala pang sinasabi sa kanya ang Kapuso management.
Siya nga pala, magiging mag-kumpare na sina Dingdong at Richard Gutierrez. Siya ang ninong ni Kai, pangalawang anak nina Richard at Sarah Lahbati na bibinyagan bukas.
SERSOYO
Hindi pala alam ni Cherie Gil na si Jennylyn Marcado ang unang Starstruck Ultimate Female Survivor. Nalaman lang niya ito ngayong magkatrabaho sila sa “Starstruck 7” kung saan bahagi ng council si Cherie.
“I’m glad and honored to be part of the council. Mahirap pumili ng Final 14 mula sa thousands of hopefuls. Too high ang expectations ko. Importante ang talent matched with personality ang hinahanap ko sa hopefuls,” ani Cherie.
Hindi naman daw siya magi-ging mataray na council. Ayaw niyang mag-discourage ng hopefuls. Ayaw lang niyang patawag na tita. Madam or Miss ang gusto niyang itawag sa kanya.