Maibabalik rin naman ang pera mo
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Thu, 06 Jun 2019 06:13:05 +0000
ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o mala-king problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
* * *
Hi Alex,
May problema kami ng boyfriend ko. Nagtapat siya sa akin na nakabuntis daw siya ng ibang babae. Hindi niya raw sinasadya kasi lasing lang siya. Nakilala niya raw ang babae sa isang bar 2 months ago at nagkainuman sila. Nalasing daw siya at kinabukasan, nagising siya na magkatabi silang hubo’t hubad. Hindi na raw gusto si girl pero pinapanagutan sa kanya ang bata sa tiyan niya! Ano ang gagawin ko?
Gigi ng Novaliches
Hi Gigi,
Wala kang gagawin dahil hindi naman ikaw ang nakabuntis. Problema na ng boyfriend mo yun! Hindi ako naniniwala sa lasing lasing na yan. Malikot talaga ang boyfriend mo! Nagising ng hubo’t hubad tapos walang matandaan! Ano, kinaladkad siya ng babae sa kwarto at pinagsamantalahan! Wow! Nasa sa’yo na yan kung papatawarin mo pa ang boyfriend mo! Baka balang-araw, malasing ulit yan!
* * *
Hi Alex,
Ang daming mga turista dito sa ating bansa lalo na sa mga beaches. Madalas akong makakita ng mga European na gustong-gusto ang weather sa atin dahil sawang-sawa na raw sila sa snow at malamig na weather. Bakit kaya gusto nila ang weather sa atin?
Patsy ng Bacoor, Cavite
Hi Patsy,
Mas maganda talaga ang weather ng Pilipinas! Maliwanag, mainit at talaga namang pagpapawisan ka. Nakaka-happy pa ang weather natin. Sa ibang bansa kasi, lalo na sa Europe, nakakadepress kasi puro snow at napakalamig pa. Gloomy ang weather! Gustong-gusto ng mga European ang summer na weather natin. Saka gusto din nila makakita ng mga naka-two piece na outfit sa beach. Mahirap kasi mag-two piece sa snow, mamamatay ka sa ginaw!
* * *
Hi Alex,
May mga ATM na kapag nag-withdraw ka, hindi naglalabas ng pera. Kailangan mo pa tuloy tumawag sa bangko para maibalik sa’yo! Mababalik nga pero matagal! 2 to 3 weeks bago maibilik sa’yo ang pera mo! Bakit ba nangyayari ito sa mga ATM?
Garet ng Taguig
Hi Garet,
OK lang yan! Technical problem ang tawag dun! Maibabalik rin naman! Mas OK na yan kesa mautangan ng kaibigan at mapangakuan na ibabalik sa katapusan! Hindi mo alam kung kelang katapusan, katapusan ng buwan o katapusan ng mundo!
* * *
Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo.com facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007