Masungit si misis

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Thu, 02 May 2019 11:35:43 +0000

 

 

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong alex callejamay sulira­nin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o mala-king problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

*   *   *

Hi Alex,

Madalas ako sumakay ng jeep, minsan nasa dulo ako, minsan nasa unahan, at madalas nasa gitna. At kapag nasa gitna, syempre nagiging taga-abot ng bayad. Okay lang naman maging taga-abot kasi nasa gitna naman ako. Ang problema ko, kapag ako ang nagpapa-abot, may mga taong dedma at hindi ako pinapansin! Kailangan ko pa ulit-ulitin bago i-abot ang bayad ko! Madalas galit pa! Ano ba ang gagawin ko para i-abot kagad ang pera ko kapag nagpapaabot ako ng pamasahe?

Daniel ng Pasay City

 

Hi Daniel,

Madali lang yan! Kapag may pera ka, sabihin mo na abutin niya ang bayad mo at ililibre mo siya sa bayad niya. Kapag wala kang sobrang pera, tawagin mo ng pogi or cute kapag lalake, miss beautiful or sexy kapag babae, siguradong lilingon yun at i-aabot ang bayad mo. Kapag wala talaga, hintayin mo na malapit ka ng bumaba, pagpara mo, pipigilin ka ng driver kasi hindi ka pa bayad, saka mo ngayon ipaabot kasi hindi sila makakaalis hanggang hindi ka nagbabayad!

*   *   *

Hi Alex,

Madalas akong maihi at madalas pa sa mga lugar na walang banyo. Ang ginagawa ko tuloy ay pinipigilan ko ito. Marami ang nagsasabi na masama daw na magpigil ng ihi. Totoo ba ito?

Lance ng Mandaluyong

 

Hi Lance,

Masama pero may mga pag­kakataon na kailangan mo talaga magpigil. May mga lugar na hindi ka talaga makakaihi kasi walang banyo. Minsan kailangan mo mamili, umihi o isakripisyo ang kahihiyaan mo at iihi ka sa mga gilid-gilid. Ang halimbawa nito eh kung nasa highway ka, subukan mong umihi sa EDSA habang maraming dumadaang sasakyan, malamang, viral ka!

*   *   *

Hi Alex,

Mainit ang ulo ng misis ko kapag meron siyang period o regla. Laging masungit, mabilis mapikon at nagiging sensitive!

Bakit nagiging ganito ang mga babae kapag meron sila?

Tolits ng Navotas

 

Hi Tolits,

Una, ikaw ba naman duguin na wala naman sugat, hindi ka ba maiinis! OO, itsura niya sugat pero ito ang sugat na hindi naghihilom! Subukan mo sugatan ang ari mo tapos wag mong gamutin ng ilang araw at hayaan mo lang dumugo, di’ba iinit din ang ulo mo! Tapos gagawin mo ito buwan-buwan! Badtrip di’ba!

*   *   *

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo.com facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

http://tempo.com.ph/feed/