Vic Sotto pinasaringan
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Tue, 30 Apr 2019 13:39:39 +0000
WALA sina Oyo at Vico Sotto sa 65th birthday celebration ng Daddy Vic Sotto nila sa “Eat Bulaga” noong Sabado. Present naman sila kinagabihan sa surprise birthday party ni Pauleen Luna para sa kanyang husband na dinaluhan ng kanilang family and friends.
Ewan kung bakit no show si Oyo sa birthday celebration ng kanyang Daddy Vic sa “Eat Bulaga.” Si Vico ay hindi talaga puwede dahil kandidato siyang mayor ng Pasig City.
Pasimple ang pasaring ni Senate President Tito Sotto kay Vic na aniya, “Panay ang pasyal mo sa Pasig. Punta ka naman sa Quezon City.” Kandidato bilang vice mayor ng QC si Guian Sotto, anak ni Tito Sen na gusto niyang ipahiwatig na suportahan din ni Vic ang pamangkin.
Sa mga anak ni Vic sa iba’t ibang babae, si Vico na lang ang wala pang asawa. Na-link noon si Vico kay Maine Mendoza, pero walang ligawang nangyari.
“Anak-anakan” ni Vic si Maine na may song number sa “Eat Bulaga” with his real-life daughters na sina Danica at Paulina.
Kinabahan
First taping day pa lang ng “The Better Woman” ay intensed agad ang mga kinunang eksena nina Derek Ramsay at Andrea Torres. Ani Derek, kinabahan siya dahil intimate scenes ‘yun.
Inamin ng Kapuso actress na kinabahan din siya, pero naitawid naman nila nang bonggang-bongga ang sizzling hot scenes. Hindi halatang pareho silang kabado habang naka-roll ang kamera.
All praises si Andrea kay Derek na aniya, napaka-gentleman at hindi niya naramdamang nag-take advantage ito sa hot scenes nila.
Matatapos na
Mag-e-expire ang contract ni Yasmien Kurdi sa GMA7 late this year at sana raw ay i-renew ‘yun ng network. Seventeen years na siyang Kapuso.
Given a chance, gusto niyang makatrabaho si Nora Aunor. Gusto ni Yasmien ng action-drama teleserye. Gusto rin niyang gumawa ng pelikula. Ten years ago pa ang huling pelikula niya, ang “Bahay Kubo” with Maricel Soriano and Marian Rivera.