Julia Barretto, Janella Salvador mga ambisyosa
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Mon, 22 Apr 2019 09:00:34 +0000
TYPE raw ni Julia Barretto mag-audition para sa “Darna” role at willing siyang magsuot ng bra at panty lang. Nag-react ang ilang netizens na hindi bagay sa kanya ang mag-Darna dahil kulang siya sa height at hindi siya morena.
Ayon pa sa netizens, hindi naman siya nagsusuot ng bra at nipple tape ang ginagamit niya. Paano raw niya isusuot ang two-piece costume ni Darna?
Ayon pa sa ilang netizens, huwag nang mag-ambisyon si Julia maging Darna dahil hindi bagay sa kanya. Wow! Ang lupeeet naman.
Sinabihan din nila si Janella Salvador na huwag nang mag-ilusyon na maging Darna. Hindi rin daw bagay sa kanya ang role. Nagpahayag din si Janella na gusto niyang gampanan ang iconic role.
Ayon sa ilang netizens, mga ambisyosa raw sina Julia at Janella. Sa true lang, ang daming nag-a-ambisyong maging Darna. Wait na lang kung sino ang final choice ng Star Cinema. At saka na mag-react, noh?
AYAW NA
Wala na sa isip ni Bong Revilla tumakbo bilang presidente sa mga susunod na halalan. Ayaw na niya dahil nakulong siya dahil du’n. Matatandaang noong nagpahayag siya na tatakbo siyang presidente ay naging matunog ang pangalan niya.
Ani Bong, ayaw na niyang maulit ang nangyari sa kanya. Hindi biro ang four years and six months na pagkakulong niya sa PNP Custodial Center. Na-trauma siya na kapag dumadaan siya sa Camp Crame at nakakakita ng pulis ay napapa-“Ooohhh!” siya. Ganu’n din ang reaction niya kapag nakakakita ng news reporters.
Sa bahay nila, itinatago pa niya ang kanyang cellphone kapag may kausap siya. Nasanay na rin si Bong na parating naka-tsinelas at shorts lang.
‘Yung naging karanasan niya made him a better person. Naging matatag siya sa mga pagsubok at lalo siyang naging malapit kay God.
Thankful si Bong na marami pa rin ang naniniwala sa kanya ngayong kumakandito siya bilang senador. Aniya, umiiral pa rin ang agimat ni Bong Revilla na ang tinutukoy niya ay ang mga taong bayan na kailanman ay hindi nawala ang pananalig sa kanya.