Joross may apela para sa mga kabataan
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 27 Mar 2019 13:08:50 +0000
ANG mga kabataan nga daw ang kinabukasan ng bayan at naniniwala ang aktor na si Joross Gamboa na importanteng gabayan ang mga ito lalo na sa panahon ngayon kung saan laganap ang droga.
Dahil dito, pumayag siyang mag-host ng isang fun run para na rin pag-igtingin ang kanyang adbokasiya.
Gaganapin ang fun run na tinawag na “Run for the Little Ones” sa April 6, 5 a.m., sa SMby the Bay, SMMall of Asia, Pasay City.
Ang event ay binuo sa pa-ngunguna ng Child Evangelism Fellowship (CEF) na isang international non-profit organization na nag-o-operate sa lagpas 190 na bansa sa buong mundo.
Itinatag ito ni Rev. Jesse Irvin Overholtzer sa America noong 1937 at nagumpisang pinangasiwaan dito sa Pilipinas noong 1952.
Ani Joross, “Ang Child Evangelism Fellowship ay nagre-reach out sa ibat ibang sulok ng mundo sa pamamagitan ng mga makabuluhang projects na naka-focus sa mga elementary at high school students.
“Lets reach out to all of our kids, tumakbo tayo para sa kanila. Tumatakbo naman tayo for health di ba? Why not tumakbo naman tayo for a bigger cause. Kailangan tulungan natin ang ating mga kabataan dahil napakalaking bagay na sila ay magabayan.”
Dagdag pa niya, “Ang ‘Run for the Little Ones’ ay makakatulong sa kamalayan ng marami tungkol sa mahalagang papel na dapat gampanan ng bawat miyembro ng pamilya at komunidad sa paghubog ng mga kabataan.
“Lalo na ngas na ang main goal nila ay makaiwas ang mga kabataan sa tawag ng droga.”
Para makasali sa fun run magrehistro lamang sa www.cefncrsouth.com. (DANTE A. LAGANA)