Puro ka cellphone!

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 27 Feb 2019 11:24:29 +0000

 

alex calleja

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o mala-king problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

*  *  *

Hi Alex,

Lahat ng kakilala ko ng pinanganak sa buwan ng Pebrero, puro may sum­pong at topak. Madaling mapikon, pabago-bago ang ugali at napakatopak­in! Bakit kaya ganito ang mga pinanganak sa buwan ng Pebrero?

Susan ng Pasig

 

Hi Susan,

Ayaw ko man sana mani­wala dyan pero may anak ako, kapatid at mga kaibigan na pinanganak sa buwan ng Pe­brero at ganyan nga sila. Ang paliwanag ng mga matatanda eh dahil sa ang buwan ng Pebrero ay kulang sa petsa kaya sila minsan ay tinotoyo. Paiba-iba naman ng ugali dahil ang Pebrero daw hanggang 28, pero kada-apat na taon, nagiging 29. Pero wag na na­tin pag-usapan yan kasi kapag nabasa ito ng mga pinanganak sa Pebrero eh baka sumpungin at topakin na naman sila!

*  *  *

Hi Alex,

Bakit po may mga taxi na palaging sira ang metro o kaya kung ayos naman ang metro, wala naman silang panukli?

Marco ng Montalban

 

Hi Marco,

May mga taxi na totoong sira ang metro at meron na­man na ginagawa lang itong dahilan. Para hindi ka mabik­tima, magdala ka ng extrang metro para ito ang ipagamit mo kapag may nasakyan kang taxi na sira ang metro. May mga taxi driver naman na wala talagang panukli at may mga taxi driver naman na gina­gawa lang itong palusot para kumita nang mas malaki. Kapag may nasakyan kang walang panukli, wag kang bumaba, matulog ka o kaya magyaya ka ng mga kabarkada, ubusin niyo ang sukli sa loob mismo ng taxi! Magpa-party ka kung gusto mo!

*  *  *

Hi Alex,

Bakit po kaya madaling ma-lowbat ang cellphone ko. Bagong bili naman siya pero isang araw lang, lowbat na agad. Anong problema kaya nito Tito Alex?

Menchie ng Pateros

 

Hi Menchie,

Alam mo kung ano talaga ang problema ng cellphone mo kaya madaling ma-lowbat, da­hil sa gamit na gamit! Umaga pa lang malamang Mobile Legends agad! Tapos check ng Facebook, Twitter at Insta­gram. Syempre habang nasa Facebook ka, manunuod ka ng mga video, kaya mapupunta ka sa Youtube. Pagkatapos mo mag-Youtube, makikinig ka ng music sa Spotify! Yan ang mga ginagawa mo sa cellphone mo at wala pang tanghali yan! Natural, lowbat ka agad! Wag mong gamitin, aabot ng ilang araw yan!

*  *  *

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo.com facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

http://tempo.com.ph/feed/