Mga ‘Starstruck’ hopefuls kilalanin
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Fri, 08 Feb 2019 12:35:56 +0000
MARAMING kabataan ang natuwa sa pagbabalik ng reality talent competition na “Starstruck” ng GMA-7 bago magtapos ang taong 2018.
Actually, naglabas na ng teaser ang GMA-7 ukol sa paguumpisa ng “Starstruck” December 2017 ngunit ito’y naudlot.
Sa pagtatanong ng Tempo sa isang insider, ani nito inuna raw muna nila ang katatapos na show na “The Clash” ng Songbird na si Regine Velasquez Alcasid.
Para sa kaalaman ng iba dito nanggaling, sumikat at nakilala sila Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmien Kurdi, Paulo Avelino, Aljur Abrenica, Megan Young, Mike Tan, Enzo Pineda, Cristine Reyes, LJ Reyes, Arci Munoz, Kris Bernal, Rocco Nacino, Ryza Cenon, Sarah Lahbati, Marky Cielo, Jewel Mische, Rich Asuncion, Mart Escudero, Jackie Rice, Migo Adecer, Klea Pineda at iba pa.
Nagumpisa last Jan. 21 ang audition ng artista search na dinagsa ng mga hopefuls from all over the country. Nagsadya ang Tempo sa GMA-7 Annex Building upang makaharap at matanong ang mga kabataan kung bakit sila nag-audition sa Starstruck at ito ang ilan sa kanila:
Pedmar Flores, 21 Balagtas Bulacan, 1st year BSHM: “Gusto ko pong magtry dito dahil alam ko kaya kong maibahagi kung anong talent na puwede kong ishare sa show, lalo’t gusto ko pong madevelop yung pagsasayaw ko dahil medyo mahina po ako diyan. Hindi po kami nakakaangat sa buhay. Dahil bilang tindero na tumutulong sa mother ko sa pagtitinda ng tinapa at daing gusto kong makatulong sa mga magulang ko at mga kapatid ko lalo na sa bunso namin na may sakit sa puso. Kung papalarin po ako dito isang malaking blessings po sa amin. Mahilig po akong sumali ng pageant sa Bulacan kung anuman ang natutunan ko doon puwede ko rin pong ibahagi sa ‘Starstruck.’”
Alexandra Dominique Gonzales, 18 Sampaloc, Manila, Grade 12: “Unang una po gusto kong tulungan yung family lalo na yung mommy ko na single mother at ang special child kong kapatid at gusto kong maabot yung pangarap ko at maging inspirasyon sa mga ka-age ko.”
Brian Jaryl Orellano, 19 Antipolo City, 3rd year Criminology: “Sa tingin ko po ito ay isang stepping stone, isa sa mga daan para maabot ko po which is yung pagaartista. Naniniwala naman po ako sa kakayahan ko sa pagsali ko ng Starstruck at mapapakita ko ang talent na meron ako. Kung papalarin maaaring ang pagaartista ang daan na tatahakin ko hanggang sa pagtanda.”
Janelle Lewis, 17 Pampanga, Grade 11: “Gusto ko pong maenhance yung talent ko at gusto ko pong magpasaya ng mga tao.”
Adam Joseph Libunao, 19 working student: “Baka ito ang maging dahilan para matupad ang pangarap kong maging artista para matulungan ang mga magulang ko.” (DANTE A. LAGANA)