Hindi naman pala
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Fri, 01 Feb 2019 16:00:41 +0000
NABIGYANG linaw na sa wakas ang usap-usapan hinggil sa diumano’y pagpro-propose nitong si Daniel Padilla sa kasintahang si Kathryn Bernardo habang sila’y nagbabakasyon kamakailan sa Japan.
Nagsimula ang tsismis dahil na rin sa socmed post ng ina ni Kathryn na si Min Bernardo na “may nag-propose.”
Marami sa fans ng dalawa ang agad inisip na nagpropose na nga itong si Daniel kay Kathryn.
Marami din naman ang nagduda rito kasi wala nga namang nakitang suot na singsing si Kathryn ilang araw pagkatapos ng diumano’y proposal.
Nitong Martes, nilinaw ni Kathryn mismo sa “TV Patrol” na hindi totoo ang haka-haka.
“Hindi, hindi po talaga (nag-propose),” ani Kathryn sa panayam.
Aminado siya na apektado rin siya post, knowing magre-react dito ang mga tao.
Sey niya, “Iyung pinakita, ‘yung (post) sabi ko, ‘nakakaloka kayo, mababaliw ‘yung mga tao.
Nguni’t bukas nga ba si Kathryn sa ideya kung sakali magpropose sa kanya si Daniel?
Ani Kathryn, “Hindi muna siguro. Open ako sa idea pero kailangan pa naming magtrabaho pareho and baka (we’re) too young pa (sa) ngayon (para diyan).”
O ayan ha, malinaw na? (DELIA CUARESMA)