Kylie at Jake, sila na ba?

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Tue, 29 Jan 2019 11:31:45 +0000

 

KYLIE Versoza and Jake Cuenca

KYLIE Versoza and Jake Cuenca

ITO ang tanong ng marami hinggil sa patuloy na pagpapakita ng sweet-sweetan moments nina Jake Cuenca at Kylie Versoza sa social media.

Magkasama sina Jakee at Kylie sa ABS-CBN show na “Los Bastardos” at base sa mga ritrato nilang naglala­basan sa internet, mukhang “very close” na nga sila.

Nagsimula ang usap tungkol sa ka­nila noong Disyem­bre, ito’y matapos mag-post ni Jake ng ritrato nilang dalawa.

Umugong muli ang tsismis nitong Linggo lamang, ng mag-post na na­man itong si Jake ng ritrato na kasama si Kylie at tile nagti-twinning sila.

Marami ang tila natuwa sa ritra­to kasama na ang ilang celebrity friends nila.

Tanong nga ng model-actor na si Will Devaughn, “Kayo na po, ser?”

“Goals naman,” dagdag ni Jane Oineza, na isa ring cast member ng “Los Bas­tardos.”

Ang model na si Jodie Tarasek, na kilala ng marami bil­ang girlfriend ng aktor na si Paulo Avelino, ay humabol pa ng biro. Ani­ya, “So, um, when’s our double date, Jake?”

Wow, huh?

Kung totoo man ito, ano kaya ang nangyari sa non-showbiz boyfriend ni Kylie?

Nagtatanong lang po. (DELIA CUARESMA)

http://tempo.com.ph/feed/