Catching up with Robin Padilla

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Fri, 25 Jan 2019 12:42:12 +0000

 

 

SHOWBIZ denizens are almost always a cautious bunch particularly when discussing personal affairs.

Then again, there are times they are only too willing to open up, answering even the most inane of queries in the name of fun.

That’s exactly what actor Robin Padilla allowed us recently.

ROBIN Padilla

ROBIN Padilla

Here’s an excerpt:

So you’re playing Gen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa in your new film.

“Oo. At ako’y natutuwa dahil napakalaking karangalan para akin ito. Sapagka’t si Bato, kagaya ni Sir Manny Pacquiao, ay isa rin sa mga ini-idolo natin.”

Why is that exactly?

“Bilib tayo sa kanila dahil bagama’t galing sila sa hirap hindi sila nalugmok doon. Gamit ang kanilang tapang at tiwala sa Diyos, umahon sila. Ang maganda pa roon, hindi sila nakalimot. Walang sawa silang tumutulong sa mga nangangailangan at mahihirap magpasahanggang ngayon.”

Is “Bato” an all-out ac­tion film?

“Maaksyon ito kung sa maaksyon pero may mga ele­ment ito na kapupulutan ng aral katulad ng pagmamahal sa bayan, sa pami­lya, sa kapwa…ang pinaka-layunin namin dito, bukod sa makapag-en­tertain ng mga manonood, ay ‘yung ma-bigyan sila ng inspirasyon. Na kagaya ni Bato kung gusto mong umahon sa hirap, kaya mo, magsipag ka lang.”

Some people might misconstrue this as propaganda given that Bato is running as senator.

“Kapatid, malayo ‘yan sa aming hina-hangad. Nagkataon lang talaga na inabot kami ng eleksyon. Matagal na namin itong planong gawin dahil napakaganda ng kuwento ng buhay ni Gen. Bato. Ang gusto lang namin ay ang magbigay ng inspirasyon. Ngayon, kung dahil sa peli­kula ay maraming bumoto sa kanya aba’y masaya rin ako dahil suportado ko siya, gaya ng suportado siya ng pangulo.”

Okay. Are you back into doing ac­tion films or is this a one-off?

“Matagal ko nang pinasa ang korona na ‘yan sa mga nakababata. Hindi ko nga dapat gagawin ito. Kaya lang maganda talaga ang kuwento ng buhay ni Gen. Bato.

“Matanda na tayo, siguro naman sa tinagal-tagal ko sa industriya ng peliku­lang Pilipino ay nakapag-contribute na rin tayo kahit paano sa larangan ng aksyon.

“Ngayon, ang gusto ko, sa mga bagong sibol na aktor na gustong sumabak sa action ay itulak nila na mabigyan tayo ng puwang sa international scene. Paano? Ang palaganapin ang FMA o Filipino Martial Arts. Sa totoo lang ito ang ginagamit ng mga armed forces ng US, ng Inglat­era, pero hindi alam ng mara­mi na Pinoy ang nagpasimula nito. Dapat malaman ‘yan ng mundo.”

How about politics?

“Ah, labas na tayo diyan. Hindi ako puwede, wala akong pasen­siya. Kailangan sa politika pasensiya eh wala tayo noon. Gusto niyo ba may binubugbog ako sa Sen­ate?”

“Bato: The General Ron­ald dela Rosa Story” hits the­aters Jan. 30.

http://tempo.com.ph/feed/