Rhian Ramos, balik-teleserye
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Sat, 01 Feb 2020 09:00:15 +0000
NAG-EXPIRE na this January ang kontrata ni Rhian Ramos sa GMA Network. Waiting siya for renewal.
After seven months, balik- teleserye si Rhian. Huli siyang napanood sa “The One That Got Away.” After that, nagpaalam siya sa Kapuso Network na hindi na muna siya gagawa ng panibagong project.
Nagpunta siya sa New York at nag-aral ng comedy script. Twice a week ang pasok niya na aniya, impromptu ang paggawa nila ng script. Binibigyan lang sila ng sitwasyon at bahala na sila.
Sa isang apartment sa New York nangupahan si Rhian na aniya, natuto siyang magluto, maglaba, maglinis ng bahay, mag-grocery at mamalengke.
Gusto sana ni Rhian na comedy ang balik-teleserye niya. Pero family drama ang ibinigay sa kanya.
Bida-kontrabida ang role si Rhian sa “Love of My Life.” Ex-girlfriend siya ni Tom Rodriguez at may anak sila. Magiging kontrabida siya kay Carla Abellana na asawa ni Tom sa show.
Off-camera, isang Israeli ang love of her life, ayon kay Rhian. Amit Borsk ang pangalan at one year na sila together. May on-line business ito dito sa Pilipinas. Nagkakilala sila through common friends.
Ani Rhian, noong una’y hindi nito alam na artista siya. Nagtataka ito kapag magkasama sila ay may mga lumalapit at bumabati sa kanya (Rhian). Nagtataka ito kapag sinasaway niyang akbayan siya o hawakan ang kamay niya in public places.
Kalaunan ay sinabi na niyang artista siya. Isinama niya ito sa premiere night ng isang pelikula at tuwang-tuwa ito.
BITIN