Tanggalan mo ng pakpak!

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 29 Jan 2020 16:30:24 +0000

 

aex alx alex calleja alex-syon of the Day ax

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

***

Hi Alex,

Mabuti po ba talaga sa katawan ang gulay Tito Alex?

                                                                        Jeremi ng Guadalupe, Makati

Hi Jeremi,

OO, lalo na kapag kinain mo!

***

Hi Alex,

Patulog na po ako ng isang gabi ng marinig ko ang nanay at tatay ko na nag-uusap ng pabulong. Narinig ko ang sabi ng tatay ko sa nanay ko. Eto ang sabi ng tatay ko – ‘honey, patayin mo na ang ilaw at kakai­nin ko na yan’. Ginawa naman ng nanay ko at narinig ko ang tatay ko na may kinakain. Eto po ang tanong ko, pwede po ba talaga kainin ang ilaw? Ngayon ko lang po kasi ito nalaman.

                                                                        Frank ng Malolos, Bulacan

Hi Frank,

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa’yo ito. Gusto kong sabihin ang totoo pero hindi ko alam kung ilan taon ka na. Pero sigurado at hindi ako makasira ng pagka-inosente mo, ito na lang ang isasagot. OO, may ilaw na kinakain, pero nabibili lang ito sa mga piling tindahan at mga nanay at tatay lang ang pwedeng bumili. Wag mong susubukan kumain ng ilaw na nabibili sa hardware or sa mga department store, delikado yun at malalason ka. Kapag matanda ka na at may asawa ka na, malalaman mo na kung saan bumibili nun. Matulog ng maaga para hindi makakarinig ng usapan ng matatanda.

***

Hi Alex,

Nakakainis ang ipis na lumili­pad! May ipis sa amin na nag-iisa lang pero lumilipad kaya laging natatakot ang mga kasama ko sa bahay. Paano ba ang
http://tempo.com.ph/feed/