Pubic lice

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Thu, 23 Jan 2020 16:15:32 +0000

 

rica cruz - sexy mind answers

Hello Ms. Rica,

Kailangan ko po ng opinyon niyo. May nakikita po akong parang lisa sa baba po. Makati din po ang paligid ng ari ko. Ano po ang gagawin ko?

                                                                        Itchy Man

Hello Itchy Man,

Mukhang ang dinedescribe mo ay ang tinatawag na pubic lice o crabs. Though wala silang dalang infection, usually, sila ay na-spread through sexual contact o close body contact. Pero pwede rin sila makahawa mula sa damit, bedsheet o kahit furniture.

Ano nga ba ang pubic lice? Sila ay maliliit na insekto na tinatawag na phthirus pubis. Sila ay nabubuhay sa pubic hair through your blood. Makati sila dahil sinisipsip nila ang dugo mo. Ang itlog nila takes around eight days lang to hatch – kaya madali lang sila dumami at magspread. Kung ikaw ay mabuhok, pwede kang makakita ng lice sa buong katawan mo…kahit sa mukha! Kaya mas maiging ipatingin mo ito sa doctor para maagapan.

Successful treatment includes using lice-killing lotion sa katawan mo. Kailangan din ay labhan mo maigi ang mga damit at kubrekama mo sa mainit na tubig para mamatay ang lisa. Kung ikaw ay may sexual partner/s, mas maiging magpatingin at maggamot din sila. Mabilis lang naman ang talab ng gamot.