Bea Alonzo baka maging tomadera?
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Tue, 03 Dec 2019 09:51:16 +0000
WORRIED ang fans ni Bea Alonzo na baka ma-influence ni Angelica Panganiban na maging manginginom din ang kanilang idolo.
Open ang pagiging “tomadora” ni Angelica. Drinking buddies nga sila ni John Lloyd Cruz noong together pa sila.
Naging super friends sina Bea at Angelica noong nagkatrabaho sila recently sa isang pelikula.
Sa Lie Detector Drinking Game nila bilang bahagi ng promo para sa kanilang movie ay nag-enjoy sila sa pagsagot sa mga tanong.
Kapag lumabas na nagsisinu-ngaling sila, need nilang uminom ng one shot ng alak.
Mukhang parehas nag-enjoy sina Bea at Angelica sa pag-inom.
Sa isang video naman na kuha sa isang resto-bar sa QC kung saan nagpunta ang cast members ng pelikula pagkatapos ng premiere night, mukhang parehas nakainom sina Bea at Angelica na enjoy sa pagsasayaw.
TAHIMIK
Tahimik pa rin si Jomari Yllana sa mga pahayag ng former partner niyang si Joy Reyes kaugnay ng diumano’y pag-iwan niya rito at sa dalawa nilang anak.
Mukhang sagad hanggang langit ang galit ni Joy na ipinagpalit siya nito sa isang older woman.
Ayon kay Joy, umalis siya sa kanyang trabaho dahil ‘yun ang gusto ni Jomari. Iiwan din pala siya nito, kaya namomroblema ngayon si Joy kung paano niya bubuhayin ang dalawang anak.
Bahagi ng post sa socmed ni Joy: “IKAW NA!!! IKAW NA ANG PINAKATANGANG PADRE DE PAMILYA SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS!!!”
AYAW MAGING KONTRABIDA
Sa interbyu kay Daniel Padilla sa “Tonight with Boy Abunda,” halata sa mga pananalita niya na hindi pa niya 100% tanggap ang relasyon ng kanyang momshie Karla Estrada at Jam Ignacio.
Pero dahil nakikita niyang masaya at super in love ang mama niya, ayaw niyang maging kontrabida sa pagmamahalan ng mga ito.