Gusto ko maging artista!

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 13 Nov 2019 16:48:31 +0000

 

aex alx alex calleja alex-syon of the Day ax

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

* * *

Hi Alex,

Mahigit isang buwan na lang at Pasko na. Kailangan na na­man magregalo sa mga inaanak! Ang dami ko pa namang mga inaanak at lahat yun umaasa na reregaluhan ko! Kailan ba maganda bumili ng regalo para sa mga inaanak?

                                                          David ng Dagupan City

Hi David,

Maganda bumili ng regalo para sa mga inaanak kung may pera ka na! Kung wala kang pera, wala kang mabibili!

* * *

Hi Alex,

Gusto kong maging artista Tito Alex. Paano ba ang ga­gawin ko para makita ko ang sarili ko sa TV?

                                                          Ernesto ng Dasmarinas, Cav­ite

Hi Ernesto,

Madali lang yan! Pumunta ka sa harapan ng TV niyong nakabukas. Patayin mo ang TV. Kapag patay na, tignan mo maigi, makikita mo ang sarili mo sa TV!

* * *

Hi Alex,

Nabasa ko sa isang research na ang paghuhugas daw ng pinggan ay nakakabuti sa ka­lusugan. Kaya ngayon eh lagi akong naghuhugas ng pinggan, tuwang-tuwa ang misis ko! Naniniwala ba kayo sa research na ito?

                                                          Paking ng Navotas

Hi Paking,

Hindi! Kasi yung naglabas ng research na yan malamang babae at misis din! Nilabas niya ang re­search na yan para mauto tayong mga mister! Sige, nagmamadali ako dahil maglalaba pa ako! Lumabas din sa research na kapag naglalaba ka, hahaba ang ari mo!

* * *

Hi Alex,

Madalas akong nananaginip na nahuhulog ako. Minsan nahuhu­log ako sa bangin, nahuhulog sa hagdan, nahuhulog sa eroplano, nahuhulog sa puno at nahuhulog sa bubong. Kapag nagising ako, nahulog talaga ako sa kama. Buti na lang at hindi ko naiis­torbo ang misis ko na katabi ko
http://tempo.com.ph/feed/