Don’t fear the past

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Sun, 10 Nov 2019 11:25:28 +0000

 

sxy rica cruz - sexy mind answers

Hi Ms. Rica,

I need your advise po. Nagsimula po akong makipagdate sa isang lalaki na gusto ko naman po. Mabait po siya, maalaga, at thoughtful.

Pero po, natatakot ako kasi ‘yung huli ko pong relationship ay parang bangungot. Hindi po talaga maganda ang nangyari sa amin ng ex ko at ayoko na pong maulit iyon.

Sabi po ng iba na take it slow daw po and maaga pa para makipagdate ako muli. Pero, mabait po kasi talaga ang lalaking dinadate ko ngayon at masaya po siyang kasama. Tama po ba ang ginagawa ko o kailangan ko pong itigil ito? Help please!

                                                                        Scared, Hurt, and Doubtful

 

Hello Scared, Hurt, and Doubt­ful,

Nararamdaman ko ang pag­katakot mo na makipagrelasyon ulit. Hindi naman to nakagugu­lat, lalo na sa napagdaanan mo with your ex-boyfriend.

Kaya, ang kailangan mong isipin ay walang “tama” o “mali” sa iyong nararamdaman. Your feelings are just that, your feel­ings. At para mawala ang iyong takot at pangamba, the first thing to do is to accept and ac­knowledge these feelings.

On the other side, nararamda­man ko rin ang iyong excitement sa bago mong dinedate! Lalo na sa potential na siya’y maging bago mong boyfriend.

Okay lang din ma-excite! Kasama sa proseso ‘yan. Pero siyempre, sa lahat naman ng relasyon ay hindi puwedeng hindi ka masasaktan. Kaya kasa­ma ng excitement mo ay dapat tanggapin mo na puwede ka rin masaktan ng bago mong boyla­loo.

Ang magiging tanong mo da­pat sa iyong sarili ay kung ready ka na ba to take that chance again…ready ka na nga ba?

Do know na ikaw lang ang makakasagot talaga sa tanong na yan. Even when your friends tell you na hindi ka pa ready, iba ang proseso mo sa proseso nila.

Kung ang bago mong boylaloo ay nakakapagpasaya sayo and you feel comfortable with him, why not give him a chance? Pu­wede namang dahan-dahanin ang proseso ng pakikipag-date at pagkikilanlan sa isa’t-isa. If you feel that things start mov­ing too fast, puwede mo rin na­man sabihin sa kaniya na hinay-hinay lang muna.

This is actually a good time for you to be open and honest with your new boylaloo lalo na kung feeling mo that this could lead to a new relationship. Sabihin mo sa kaniya na natata­kot ka. Ikuwento mo sa kaniya ang ex mo at ang takot mo at tignan mo rin kung paano siya magrereact.

Kung mapag-usapan niyo ito and he reacts favorably towards your concerns, then you may have found your new poten­tial partner! Ang maganda pa doon ay inumpisahan n
http://tempo.com.ph/feed/