Jessy Mendiola, feeling kapamilya na
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Tue, 05 Nov 2019 13:02:11 +0000
SA TAIWAN nag-celebrate ng kanyang 66th birthday si Congresswoman Vilma Santos-Recto noong November 3. Kasama niya ang kanyang pamilya (husband Senator Ralph Recto at mga anak na sina Luis at Ryan Christian).
Ka-join din si Jessy Mendiola na feeling kapamilya na ng mga Manzano at Recto.
Momski na ang tawag ni Jessy kay Cong. Vi gaya ng tawag ng anak nitong si Luis Manzano na boyfriend ni Jessy.
Sa mga naunang interbyu kay Cong. Vi, sinabi niyang nakikita niyang masaya si Luis sa relasyon nito kay Jessy. Hindi raw ito nakikipagkumpitensiya at hindi feeling artista kapag nakakasama nila si Jessy sa kanilang family gathering. Simple GF lang si Jessy, ayon sa actress-politician at Star for all Seasons.
CONSISTENT
Bidang-bida at parehas mabango ang pangalan nina Mayor Isko Moreno at Angel Locsin. Si Yorme, idinonate ang talent fee niya sa PGH Foundation para sa mga batang may kanser mula sa isang endorsement niya.
Si Angel naman, namahagi ng relief goods sa mga earthquake victims sa Mindanao. Kasama niya ang fiancé niyang si Neil Arce.