Lovi Poe aalis na sa GMA?

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Tue, 22 Oct 2019 11:18:39 +0000

timing box

 

 

 

LILIPAT na ba o Kapamilya na si Lovi Poe? ‘Yan ang tanong ng netizens dahil nag-guest si Lovi sa “Rated K” noong Linggo (October 20).

LOVI Poe

LOVI Poe

 

Tungkol sa pagiging gym buff at pagwo-work out ni Lovi ang featured story about her. Wala naman siyang iprinomote na show or something.

Baka naman may permiso ng GMA7 ang guesting ni Lovi sa programa ni Korina Sanchez? Nagtataka lang kasi ang netizens sa pag-appear ni Lovi sa “Rated K.”

Hindi raw kaya pahiwatig ‘yun na mag-o-ober da bakod na si Lovi? Noon pa may tsika na diumano, binabalak niyang lumipat sa ibang network.

Tanong din ng netizens, may upcoming project daw ba si Lovi sa GMA? Nakabalik na siya sa Pilipinas matapos siyang magbakasyon sa States for six months. Ano raw bang plano ng Kapuso Network kay Lovi?

 

GLAIZA de Castro

GLAIZA de Castro

PAASA?

Mukhang may pinanggalingan ang sagot ni Glaiza de Castro sa tanong ni Paolo Contis sa guesting niya sa “Studio 7.” Sino raw ba kina Neil Ryan Sese, Marx Topacio, Benjamin Alves at isa pang aktor na nakalimutan namin ang name ang lulunurin ni Glaiza kapag nasa isang island sila.

Si Benjamin ang sagot ni Glaiza. Bigla naming na-remember na naging “item” sila noon. Sweet-sweetan sila at nag-collaboration pa sila sa isang kantang ini-record ni Glaiza.

Nag-go-glow ang eyes niya kapag tinatanong siya tungkol kay Benjamin. Hinala ng press, mukhang may “something” between them. Then, bigla na lang nahinto ang communication nila.

Ganyan din ang nangyari noon kina Benjamin at Max Collins, Benjamin at Kylie Padilla. Si Julie Anne San Jose lang ang naging official girlfriend ni Benjamin sa mga na-link sa kanya. Ayon sa ilang netizens, paasa at pa-fall lang si Benjamin na ngayon ay non-showbiz ang girlfriend.