Jameson Blake na-friendzone
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Mon, 14 Oct 2019 11:00:30 +0000
NA-FRIENDZONE si Jameson Blake kay Elisse Joson. Anang huli sa “Tonight With Boy Abunda,” kahit na kay Jameson ang mga katangiang hinahanap niya para sa magiging boyfriend, friendship lang ang kaya niyang i-offer kay Jameson.
They went out for a couple of times. Pero hindi naman nag-“I love you” sa kanya si Jameson. Sa mommy daw niya sinabi ni Jameson na gusto siyang maging girlfriend nito. Ano ba ‘yun?
Inamin ni Elisse na sobrang na-hurt siya sa break-up nila ni McCoy de Leon. Mukhang hindi pa totally naka-move-on si Elisse dahil aniya, hindi sila nagpapansinan kapag nagkikita sila ni McCoy by chance.
Sinabi rin niyang never nag-attempt si McCoy makipagbalikan matapos silang mag-break. Nang tanungin siya ni Boy kung sakaling nagtangka si McCoy, bibigyan ba niya ito ng second chance? “Hindi na siguro,” sagot ni Elisse.
Mukhang malalim ang dahilan ng kanilang hiwalayan,kaya sobrang na-hurt si Elisse. Sino kaya ang nang-iwan, kanino?
Sa tanong ni Boy kung ano’ng masasabi ni Elisse sa pahayag ni McCoy na gusto nitong ligawan si Miles Ocampo, okey lang,ani Elisse. Labas na siya kung anuman ang gustong gawin ng kanyang ex-boyfriend.
NAGPAKAMATAY
For the longest time, inilihim ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng mommy ni Iza Calzado noong 2001. Pinapaniwalang kanser ang ikinamatay nito.
Binasag ni Iza ang katotohanan na aniya, nagpakamatay ang kanyang mommy, ayon sa ulat ng PEP. Maraming beses daw itong nagtangkang magpakamatay.