Tama ang tatay at nanay mo!
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 09 Oct 2019 16:00:38 +0000
ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
*
Hi Alex,
Dumalaw ako sa mga nanay at tatay ko sa probinsiya. Masarap ang buhay sa probinsiya dahil masarap ang hangin at sariwa ang pagkain. Ang hindi ko lang gusto eh mahina ang signal ng Internet at wala kaming cable. Pero ang isa sa mga hindi ko matanggap eh hanggang ngayon eh wala pa rin silang rice cooker. Ang tagal tuloy ng kanin lutuin. Gusto silang bilhan ng rice cooker pero ayaw naman nila. Iba daw ang lasa ng kanin kapag luto sa rice cooker. Hindi ko magets yun! Ano ba ang gagawin ko para pumayag silang gumamit ng rice cooker!
Steve ng Muntinlupa
Hi Steve,
Kahit ako walang bilib sa rice cooker! May bad experience ako sa rice cooker! Yung gutom na gutom ka na tapos nakahanda na ang ulam. Pagtingin mo sa niluluto mong kanin sa rice cooker, bigas pa rin na may tubig kasi hindi mo napindot ang ON ng rice cooker! Tama lang ang nanay at tatay mo!
*
Hi Alex,
Luma na ang bahay namin at madami akong balak ipaayos. Gusto ko ng total renovation. Balak ko papalitan ang bubong. Palagyan ng second floor. Paextend ko rin ang sala at palagyan ng banyo ang bawat kwarto. Yung kusina balak ko rin baguhin! Gusto ko yung modern na. Pati electrical, gusto ko ipaayos para nakatago na ang mga wirings, yung parang nasa mga hotel. Ganun din sa mga lighting, gusto ko, modern na rin. Balak ko ring gawing computerized at cent
http://tempo.com.ph/feed/