Penile moles
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Thu, 03 Oct 2019 12:37:43 +0000
Hi Ms. Rica,
Mayroon po akong maliliit na parang puting nunal sa ari ko. Hindi naman po sila makati, pero para pong dumadami sila. Pwede po ba sila matanggal? Sakit po ba to? Kanino ko pa ba ito pwede ipakita?
Little Bumps
Hello Little Bumps,
Thank you for reaching out and being conscious about your sexual health. Kailangan talaga ay pina-prioritize natin ang ating kalusugan. Nakakapraning nga kung may nakikita kang kakaiba sa iyong ari, pero madami namang posibleng explanations dito.
Ang mga nunal or moles ay isang klase ng skin blemish na pwedeng maging flat o nakaumbok nang unti. They can be colored or not colored. Pwede ring may buhok o walang buhok. Most moles are harmless at hindi na kailangan ng treatment. Pero, from your description, hindi tayo nakakasigurado kung nunal ba talaga sila, especially when you said that they’re white. Madalas kasi na ang nunal ay may kulay dahil sa melanin.
Kung hindi nunal ang nakikita mo ay pwede silang maging penile papules. Ang penile papules ay harmless din na spots na pwedeng lumaki between one to three millimeters. Usually, nadedevelop ito ng mga lalake na may edad na 20-40 years old. Kung gusto mo sila ipatanggal, may mga cosmetic procedures na pwede makatulong. Pero, usually naman ay nawawala sila pag tanda.
Another possibility is that, pwede silang maging genital warts. May iba’t ibang klaseng warts na pwedeng mag-appear sa penis. May mga warts that are caused by the human papilloma virus (HPV) na isang sexually transmitted infection (STI). Ang virus na ito ay pwedeng magcause ng cervical or anal cancer, kaya dapat ay mapatingin mo agad ito para masiguradong hindi ito galing sa HPV. May genital warts na nagki-clear lang mag-isa at mawawala lalo na kung healthy ang iyong immune system.
Kung ako sa iyo ay pupunta ako sa doctor na isang urologist para mapatingin ang mga ito. Pwede kasing hindi ka matahimik hangga’t hindi mo malaman kung ano nga
http://tempo.com.ph/feed/