‘Wag na kayong mag-aksaya ng panahon!
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 02 Oct 2019 16:00:49 +0000
ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
*
Hi Alex,
Matagal na kami ng girlfriend ko. Minsan eh nagselos ako dahil nakita ko na nakatingin siya sa gwapo na nakasalubong namin. Nagtampo ako kaya hindi ko siya pinansin. Habang kumakain kami ay kinausap niya ako at tinanong kung bakit ako biglang tumahimik. Ang sabi ko eh nagselos ako dahil nakita ko siya na nakatingin sa gwapong nasalubong namin. Sinagot niya ako na hindi daw ako dapat magselos dahil hindi naman daw siya mahilig sa gwapo. Kaya nga daw ako ang boyfriend niya. Natuwa ako ng narinig ko yun, pero ngayon, parang napaisip ako kung ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya?
Boyong ng Pasay
Hi Boyong,
Ang good news, hindi papatol sa gwapo ang girlfriend mo! Ang bad news, isa kang patunay na hindi pumapatol sa gwapo ang girlfriend mo!
*
Hi Alex,
May bestfriend akong magaling na manghuhula. Malapit na ang birthday niya. Gusto sana naming supresahin siya ng isang birthday party at bigyan ng surprise na regalo. Ano ba ang magandang pakulo sa party at regalo para sa bestfriend kong magaling manghula?
Claire ng Merville
Hi Claire,
Wag na kayong mag-aksaya ng panahon. Wag na kayong magpa-surprise party! Hindi niyo siya masusurpresa kasi mahuhulaan niya! At kung magreregalo kayo, wag niyo na ipabalot! Sayang lang kasi mahuhulaan niya rin ang laman!
*
Hi Alex,
Madalas ako magising sa madaling-araw para umihi. May mga panahon na nagigising ako na wala naman akong nararamdama
http://tempo.com.ph/feed/