Malamang hindi ka nila gusto!
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 25 Sep 2019 12:46:38 +0000
ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
Hi Alex,
Sobrang traffic lalo na ngayong pumasok na ako BER months. Madalas ako sumakay sa Grab at ang mahal na ng Grab dahil sa traffic. Nakakainis kasi sa sobrang traffic kahit malapit lang pupuntahan mo, aabutin ka pa ng halos isang oras dahil sa traffic. Minsan nga, kita ko na yung building na pupuntahan ko pero aabutin pa ako ng siyam-siyam dahil sa traffic. Tanong ko lang sa’yo Tito Alex, kapag traffic ba at malapit na ako sa pupuntahan ko, dapat na lang ba akong bumaba at lakarin ko lang ang pupuntahan ko?
Seth ng Makati
Hi Seth,
Wag kang bababa at maglalakad kahit gaano pa ka-traffic! Nangyari sa akin yan! Bumaba ako, pagbaba ko, saka umandar ang traffic! Ayun, linagpasan ako ng Grab na sinakyan ko at nakangiti pa ang driver! At hindi lang yun!, umulan pa! kaya kahit anong mangyari, wag kang bababa at maglalakad!
Hi Alex,
Maraming mga kasabihan ang sinabi sa akin ng lola ko pero ang isang paniniwala o kasabihan na lagi niyang inuulit eh ang wag daw ako magwawalis sa gabi dahil malas daw! Kahit gaano kadumi ang bahay, basta gabi na eh wag na wag daw magwawalis! Mamalasin daw dahil lalabas ang swerte! Malas ba talaga magwalis sa loob ng bahay kapag gabi?
Marlon ng San Pablo
Hi Marlon,
Hindi mala sang magwalis sa loob ng kapag gabi! Ang malas eh wala kang bahay at wala kang matutulugan sa gabi! Yun ang malas!
Hi Alex,
May mga nililigawan ako at karamihan sa kanila eh hindi pa daw handang magkaboyfriend. Studies daw ang priorities nila o kaya naman career. Yan ang sagot sa akin ng lahat ng mga nililigawan ko. Lahat sila ganyan ang s
http://tempo.com.ph/feed/