Huwag mo isuot!
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 18 Sep 2019 16:15:41 +0000
ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!
Hi Alex,
Mahilig ako sa puting sapatos. Lahat halos ng sapatos ko puti. Lagi ko kasing suot ang sapatos na puti dahil malinis tignan. Madali pang ternuhan. Pwede sa maong at pwede rin sa shorts. Kahit anong shirt o pang-itaas eh bagay. Madalas pang mapansin lalo na ng mga chicks. Ang problema ko lang eh ang daling madumihan. Isang gamit ko pa lang eh madumi na. Ewan ko ba naman kung bakit kapag nagsusuot ako ng sapatos na puti eh saka naman uulan. O kaya malalaglagan ng ulam o kaya makakaapak ako ng putik. Ang tanong ko sa’yo Tito Alex eh ano ba ang gagawin ko para siguradong hindi madudumihan ang sapatos kong puti?
Mardy ng Caloocan
Hi Mardy,
Wag mo isuot!
Hi Alex,
May kapitbahay kaming mayaman na medyo hindi ko nagustuhan ang ginawa. Naglagay siya sa bakod niya ng kuryente. Malakas na kuryente para daw hindi siya mapasok ng magnanakaw. Medyo delikado kasi ang lugar namin at ang kapitbahay ko ang pinakamayaman sa lugar namin. Ang problema eh maraming mga bata sa lugar namin at mahilig silang umakyat sa puno na malapit dun sa bakod na may kuryente. Natatakot ako na baka ‘yung mga bata ang makuryente. Pinakiusapan ko na ‘yung kapitbahay namin na alisin pero ayaw niya talaga. Proteksyon daw nila yun. Ten thousand ang voltage na nakalagay sa bakod niya at siguradong patay ang makukuryente! Ano ba ang gagawin ko para alisin niya ang kuryente sa bakod niya?
Zoren ng Pasay
Hi Zoren,
Maghanap ka ng converter. Ipaconvert mo ang 10 thousand volts sa 220 volts tapos lagyan mo ng jumper ang bakod. Gamitin mo ang kuryente at ipagamit mo sa iba mo pang kapitbahay. Paglabas ng bill ng M
http://tempo.com.ph/feed/