James Reid, pasaway?
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Wed, 28 Aug 2019 11:29:05 +0000
GAANO kaya katotoo ang balitang masaya ang Viva sa pag let go sa aktor-singer na si James Reid?
Hindi nag-renew ng kontrata ang boyfriend ni Nadine Lustre sa kumpanya sa kagustuhan nito na ang sariling ama na ang mag-handle ng kanyang career.
Ani isang insider “good riddance” daw ang nangyari.
Matagal na raw sakit ng ulo ng kumpanya si James dahil sa dami ng reklamo nito.
Kesyo maraming arte pagdating sa kung anong proyekto ang maaari lang niyang gawin.
Mahirap din daw i-schedule ang binata at maraming excuses.
Hindi pa rin natitigil sa pag-party at pagpunta sa club si James.
Tsk, tsk, tsk…
Well, sana hindi wrong move ang ginawa niya.
Ang Viva ang nagpasikat sa kanya, after all.
Marami pa sanang plano ang kumpanya sa kanya pero pilit siyang kumawala.
Sayang ang career ni James kung mapupunta lang sa wala.
Hindi man ganoon kasikat o ka-bankable, may recall na ang pangalan niya ika nga.
In any case, tahimik pa rin ang kampo ni James at wala pang explanation sa kaniyang paglisan sa Viva.
Ano naman kaya ang version niya? (DELIA CUARESMA)