Malapit na ako sa tukso

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Tue, 27 Aug 2019 07:00:56 +0000

 

alx alex calleja alex-syon of the Day

ANG column na ito ay ginawa para sa mga taong may suliranin sa buhay na gusto ng agarang solusyon! Walang maliit o malaking problema, lahat dito, pantay-pantay! Huwag niyo nga lang seseryosohin kasi hindi lahat ng mababasa niyo dito totoo! Good vibes lang! Simulan na natin!

Hi Alex,

Masarap magpamasahe, nakakaalis ng sakit ng katawan! Ilang beses ba dapat magpamasahe sa isang linggo?

                                                                        Thor ng Bulacan

Hi Thor,

Kapag may pera ka at sumakit ang katawan mo, pwede twice a week. Kapag bihira ka magkapera at sumakit ang katawan mo, once a month. Kapag wala kang pera at sumakit katawan mo, itulog mo na lang!

Hi Alex,

Malapit na akong mag-birthday at tinutukso ako ng mga barkada ko na maghanda sa birthday ko. Gustuhin ko man eh wala akong pera. Pero panay ang parinig sa akin ng mga barkada ko. Ano ba ang magandang gagawin ko sa birthday ko eh wala naman akong pera?

                                                                        Pangke ng Protacio, Pasay

Hi Pangke,

Ang magandang gawin mo sa birthday mo eh magtago ka! Wala kang pera eh anong gagawin mo. Lilipas din ang birthday! Tiisin mo na lang ang kantyaw at tukso ng mga barkada mo.

Hi Alex,

Sira na naman ang charger mo! Kakabili ko lang ng nakaraang buwan! Ang bagal mag-charge, inaabot ako ng anim na oras bago makapuno! Ano bang gagawin ko dito, ipagawa o itapon na lang?

                                                                        Dencio ng Molino, Cavite

Hi Dencio,

Wag mong itapon, sayang! Mabagal lang yan hindi pa yan sira! Eh yung charger ko nga, hindi na nagchacharge, nagbabawas pa eh! Kapag sinaksak ko ang cellphone ko, imbes na macharge, nababawasan pa ang power! Gusto mo swap tayo!

Hi Alex,

Ang bagal ng WIFI namin sa bahay! Nang bagong kabit siya, mabilis siya, ngayon sobrang bagal na! Hindi na ako makapanuod ng Youtube kasi madalas mag-hang at paputol-putol. Facebook nga, hindi ako makabrowse ng mabilis eh! Bakit kaya bumagal ang WIFI namin?

                                                                        Caloy ng Palanan, Makati

Hi Caloy,

Naku parang kinukutuban na ako kung anong nangyari sa WIFI mo! Malamang, madaming naka-connect sa’yo ng iligal! Siguro hindi ka nagpalit ng password at na-hack yan! Ganyan nangyari sa akin, natuklasan ko, buong baranggay, naka-connect sa WIFI namin! Ganito gawin mo, i-reset mo ang password tapos palitan mo ng username. Ang username na ipalit mo ay ‘GOD IS WATCHING YOU’.

Sa gustong magtanong sa akin, email lang kayo: alexcalleja1007@yahoo.com

facebook/twitter/instagram: alexcalleja1007

http://tempo.com.ph/feed/