Vice Ganda, Ion Perez friends lang

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Fri, 23 Aug 2019 10:36:38 +0000

 

ION Perez and Vice Ganda (IG)

ION Perez and Vice Ganda (IG)

NILINAW ni Ion Perez na magkai­bigan lang sila ni Vice Ganda.

Taliwas ito sa matagal nang bulong-bulungan na may “something” sa kanila.

Naintindi­han ni Ion kung bakit sila natsi-tsismis ni Vice.

“Sobrang malapit lang kami sa isa’t isa, kaya siguro yung mga tao sobrang nag-iisip sila ganoon yung nag­ing reaksiyon nila,” ani Ion sa isang panayam.

At kung sweet man daw sila ni Vice sa isa’t sa ito ay “biru-biruan” lamang.

Nang ta­nungin kung maaring mapunta sa pag-iibigan ang kanilang closeness ni Vice, sagot ni Ion: “Mahal ko po siya as a friend.”

Ano kaya ang reaksyon ni Vice dito?

Well, kung anu’t-anupa­man malaki ang naitulong ng tsismis kay Ion.

Sikat na siya ngayon at pinaguusapan.

To think na nag­simula lang siya sa pagiging escort sa isang segment ng show. (DANTE A. LAGANA)

http://tempo.com.ph/feed/