Dong Abay na-bad trip sa concert

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Fri, 16 Aug 2019 13:05:24 +0000

 

DONG Abay

DONG Abay

NAG-WALK out si Dong Abay sa sarili nitong concert kamakailan makaraang mag-riot diu­mano ang ilang mga manonood doon.

Nangyari ang kaguluhan sa opening ng foodpark na The Boss J Place sa Baliuag, Bulacan kung saan naimibitahan ang “Banal na Aso, Santong Kabayo,” singer na mag-perform.

Ang siste, tila natuwa masyado ang ilan at nauwi sa kaguluhan.

Ayon sa ilang witness, makailang beses daw kinausap ni Dong pati na rin ang may-ari ng lugar at organizer ng show na kumalma ang mga tinaguriang “hypebeast” pero hindi raw nagpaawat ang mga ito.

Ang iba nga raw ay umakyat pa ng en­tablado. May iba naman na nagpaulan ng kung ano-ano, kasama na ang bote, kubyertos at pinggan.

Di kalaunan napagdesisyunan ni Dong at ng banda niyang kasama na lisanin ang venue.

Nagpost sa social media ang singer tungkol sa issue.

Aniya, “Mas disiplinado pa ang mga kosang nasa Maximum Security ng Bilibid Muntinlupa sa mga concert ko kesa sa mga malalayang taga-Baliwag.”

Hindi ito nagustuhan ng ilang residente ng munisipyo. Sana daw hindi nilahat ni Dong. May iba naman na nagsabi na mga dayo lang daw ang nanggulo. May ilan naman na nagmungkahi na gawing persona non grata si Dong dahil sa tinuran nito.

Mukhang naintindihan ni Dong ang himutok ng kanyang mga fans.

Post niya, “Hindi lahat ng mga taga-Baliwag ay takaw-away, puno ng poot at kacheapan (parang dedees lang ah). Mas marami ang para sa kapayapaan, pagmamahal at rakenroll!”

Humingi rin siya ng dispensa sa mga nadis­maya sa kanyang pag-walk out.

Hindi ito ang unang beses na nanggulo ang mga “hypebeast” sa Bulacan. Nanggulo rin ang mga ito ng mag-concert ang Parokya ni Edgar sa Balagtas last year.

http://tempo.com.ph/feed/