Nocturnal erections

Credit to Author: Tempo Desk| Date: Sun, 11 Aug 2019 11:34:55 +0000

 

rica cruz - sexy mind answers

Hi Ms. Rica,

Bakit po pag gising ko sa umaga ay tinitigasan po ako? May mali ba sa akin? Ibig sabihin po ba nito ay na-arouse ako sa tulog ko? Normal ba ito at kailangan ba siya i-release?

                                                                                    Hard Riser

 

Hello Hard Riser,

Ang nararanasan mo ngayon ay tinatawag na pagkakaroon ng morning erections. Actually, ang morning erections ay tech­nically nangyayari during the night kaya ang scientific term dito ay Nocturnal Penile Tumes­cence.

Ang erections na ito ay nang­yayari ito three to five times per night and they last around 30 minutes each. Usually, nangya­yari ito during periods of Rapid Eye Movement sleep or ung time na kapag nananaginip ka. Pero unrelated ito sa kung ano man ang pinapanaginipan mo.

Madalas itong nangyayari, kaya common at normal lang ito sa mga lalaki. Sabi ng mga sci­entists, this is the body’s natural attempt to oxygenate your pe­nis. Kung baga, ito ang paraan ng katawan mo para pahingahin ang penile tissue mo.

Most men will have nocturnal erections throughout their life­time, pero ang frequency at kung gaano katagal ito nakatayo ay pwedeng magiba-iba. May mga nagkakaroon ng nocturnal erec­tions na hindi ito napapansin dahil wala na ang erection pag­kagising nila. Mayroon namang iba na nakakaranas nito every­time nagigising sila.

Ngayon, ang sagot sa tanong kung kailangan ba ito i-release ay nasasa iyo. Kung gusto mong i-release ay wala namang na­kakasamang epekto ito sa iyo. May mga lalaki na nakaugalian na nagrerelease tuwing umaga regardless kung may morning wood sila o hindi. Mayroon ding hinihintay na lang na lumambot tuwing pag gising. Kung anong gusto mong gawin dito, nasa saiyo yun.

Sa totoo lang, hindi lang mga lalaki ang nakakaranas nito. May ibang mga mammals na nagkakaroon din ng nocturnal erections. Even women expe­rience this, hindi lang ganoon kahalata. Kaya, huwag kang magalala, okay ka lang, nor­mal ang nararanasan mo. Hope that helps!

With love and lust,

Rica

* * *

If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/The­SexyMind or DM me on Twitter or Instagram: @_ricacruz.

Biography: Rica Cruz is a Li­censed Psychologist, Marriage Counselor, and Sex Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.

http://tempo.com.ph/feed/