Sexting
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Tue, 06 Aug 2019 11:57:12 +0000
Hi Ms. Rica,
Kailangan ko po ng tulong niyo. Nakita ko po na may katext ang boyfriend ko nung isang araw. Tapos sa pag-iimbestiga ko po, nakita ko na nagpapadala ng nudes ang katext niya. Nakita ko rin po na sinasabihan niyang natuturn on siya sa mga pinapadala ng katext niya. Ang sakit sakit po. Hindi po ba cheating na ito? Ano po ang gagawin ko?
Can’t Sext
Hello Can’t Sext,
I’m really sorry that you’re hurting because of what you’ve discovered. Talagang masakit na malamang may ibang kausap ang iyong boyfriend, at hindi lang iyon, may sexting pa na kasama.
Hindi ko masasagot kung cheating na bang maitatawag ang pakikipagtext sa iba ng boyfriend mo. Iba iba kasi ang definition ng cheating. Usually, depende sa magkarelasyon kung ano ang i-coconsider nila na cheating. Judging from your letter, mukhang wala kayong naging usapan ng iyong boyfriend kung ano ba ang cheating para sa inyong dalawa. Para sa akin, isa ito sa mga mahahalagang bagay na kailangan pagusapan at the start of the relationship.
Ngayon, hindi ibig sabihin nito na kailangan ay pabayaan mo na lang ang nangyari. Importante din na masabi mo sa boyfriend mo ang iyong nararamdaman. Pero, you have to be careful, kasi baka pwede rin siyang magalit because you went through his phone without his knowledge. Baka maganda rin isipin kung bakit mo ito ginawa in the first place, don’t you trust him? Ano ano ba ang mayroon sa inyong relationship na pwedeng pagmulan ng hindi niyo pagtitiwala sa isa’t isa?
Before confronting him, it is best for you to reflect muna at isipin kung bakit ka nasasaktan dahil sa incident na ito. Is it because may ka-text siya na iba? Or okay lang ba na may katext siya na iba, basta hindi siya nakikipag-sext? Natatakot ka ba na baka more than texting ang relasyon nila? Kung ano man ito, kailangan ay malinaw mo itong maiparating sa iyong boyfriend.
At the same time, kailangan ay ready ka na rin makinig sa side niya. Tanungin mo siya kung bakit niya ito ginagawa. Mayroon ba siyang kailangan na hindi niya nakukuha sa iyong relationship? Ano ba ang ibig sabihin para sa kaniya ng sexting niya? Katuwaan lang ba ito o may iba pang meaning? Ibig din bang sabihin nito ay pwede ka rin makipag-sext sa iba?
Kung ano man ang inyong mapagusapan, it may help to be as honest and as clear as possible. Kasi dito niyo malalaman kung ano ba talaga ang definition niyo ng inyong relasyon. Pwede niyo ring gamitin ang pagkakataon na ito to set your boundariesas a couple and be stronger, or to see if you’re even right for each other. Whatever the outcome is, I wish you luck. Hope this helps!
With love and lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, follow me on Twitter and Instagram: @_ricacruz and www.facebook.com/TheSexyMind
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist and Sex Therapist. She comes out as the Resident Sex Therapist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.