Metro Manila Summer Film Fest kasado na
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Sat, 27 Jul 2019 08:56:45 +0000
INAPRUBAHAN na ng Metro Manila Film Festival (MMFF) Committee ang rekomendasyon ni Senator Bong Go na magkaroon ng pangalawang MMFF.
Pormal na ini-announce ng MMFF Execom ang tungkol dito Huwebes, sa pangunguna ni MMDA Chairman Danilo Lim.
Si Sen. Go ang pinakabagong appointed member ng MMFF Execom kasama si Laguna Congressman Danilo Fernandez.
Sa presscon ipinahayag ang titulo ng second edition ng MMFF na Metro Manila Summer Film Festival (MMSFF) at may walong entries raw ito na pipiliin ng MMFF Selection Committee.
Lahat ng entries ay ipalalabas sa lahat ng mga sinehan sa bansa sa loob ng 11 days – from Black Saturday up to the second Tuesday after Black Saturday.
Kasabay nito, wala ring foreign films na ipapalabas habang tumatakbo ang festival.
Katuwang ng MMDA ang Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) sa paglulunsad ng piging.
Katulad ng MMFF, magkakaroon din ang MMSFF ng parada. Gagawin ito on April 5, 2020. Magkakaroon din ng awards night ang MMSFF na gagawin April 15, 2020.
Kung ano ang criteria na ginagamit ng MMFF sa pagpili ng official entries tuwing December ay yon din ang kanilang gagamitin.
Layunin ng bagong festival na mas matulungan pa ang local movie industry to arrest the decline of Filipino films brought about by the influx of foreign films. (DELIA CUARESMA)