Amenorrhea
Credit to Author: Tempo Desk| Date: Thu, 18 Jul 2019 12:27:54 +0000
Hi Ms. Rica,
May problema po ako. Mga five weeks na po akong hindi nagkakaroon. Pwede po ba akong mabuntis kahit hindi ako nakikipagsex? Wala rin po akong boyfriend at wala po talaga akong ginagawa na kahit anong sexy time. Paano po kaya ito?
Cannot Be
Hello Cannot Be,
I’m sorry that you’re going through this kind of anxiety. Nakaka-worry talaga ang paghihintay sa period mong hindi dumadating, lalo na kung regular naman itong dumadalaw. Parang boyfriend lang na biglang naglaho! Oh my.
Based on your story, mukhang ang nararanasan mo ngayon ay ang tinatawag na amenorrhea or the absence of menstruation. Amenorrhea is not actually a health condition, pero pwede itong maging symptom o sanhi ng iba’t ibang kundisyon katulad ng:
– Paggamit ng contraception or birth control
– Breastfeeding
– Pregnancy
– Menopause
– High levels of stress
– Too much physical activity or exercise
– Low body weight
– Thyroid issues
– Polycystic ovary syndrome (PCOS)
May dalawang klase ng amenorrhea – primary at secondary. Primary amenorrhea ang tawag sa hindi pagkakaroon ng regla or period by age 14 to 16. Secondary amenorrhea naman ang tawag sa hindi pagdating ng period for over three consecutive periods (o mga 3-4 months, depende sa haba ng iyong cycle.) Kapag nakararanas ka ng secondary amenorrhea ay kadalasan may kasama itong ibang symptoms katulad ng headache, hair loss, changes in vision, at pagkahilo.
Stressed ka ba lately? May pinagdadaanan ka bang mabigat? Palagi ka bang pagod? Hindi ka ba nakakatulog sa tamang oras? Ilan lamang ito sa pwedeng dahilan ng pagkadelay ng period mo. Kung nagwoworry ka at natatakot, mas makabubuting magpatingin ka sa isang doctor para mapin-point kung may iba pang dahilan ng pagka-delay ng period mo bukod sa stress.
Huwag kang mag-alala, wala pang naitatala sa siyensya na nabubuntis nang walang halong kahit anong sexy time. Kung sigurado kang walang pagkakataon na may semen na pumasok sa iyong vagina, malamang sa malamang ay hindi ka buntis. Mag-relax ka muna, malay mo bukas andiyan na siya.
With Love and Lust,
Rica
* * *
If you have questions on love and sex that you want me to answer, you may message me at www.facebook.com/TheSexyMind or DM me at IG and Twitter @_ricacruz.
Biography: Rica Cruz is a Licensed Psychologist, Marriage Counselor, and, Sex and Relationships Therapist. She comes out as the Resident Psychologist on Boys’ Night Out every Thursday night on Magic 89.9.